Miss Charm PH 2025 nag-sorry, isinuot ang iconic gown ni Catriona

Miss Charm PH 2025 nag-sorry matapos isuot ang ‘iconic’ gown ni Catriona

Pauline del Rosario - January 30, 2025 - 05:32 PM

Miss Charm PH 2025 nag-sorry matapos isuot ang ‘iconic’ gown ni Catriona

Cyrille Payumo, Catriona Gray

HUMINGI ng paumanhin si Miss Charm Philippines 2025 Cyrille Payumo sa mga taong nasaktan o na-offend sa isang pageant event.

Ito ay matapos niyang suotin ang farewell gown ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na likha ng Pinoy designer na si Mak Tumang sa nakaraang finals ng Miss Universe Philippines-Pampanga.

Umani kasi ito ng kritisismo mula sa ilang pageant fans na naniniwalang dapat ay eksklusibo ang nasabing gown bilang simbolo ng tagumpay ni Catriona.

Sa isang Instagram post, diretsahang hinarap ni Cyrille ang mga batikos at ipinaliwanag na si Mak ang nag-sponsor ng kanyang final walk gown.

Baka Bet Mo: Evening gown ni Celeste Cortesi sa Miss Universe PH 2022 may konek sa yumaong ama: My guardian angel…

“Days before the event, I was humbled to learn that the brilliant designer, Mak Tumang, would be sponsoring my final walk gown as I passed the crown to the next representative of our beloved province, Pampanga,” sey ng beauty queen.

Dagdag niya, “To add to the magic of the moment, I was informed that one of options from his masterpieces would be the farewell gown of Miss Universe 2018, Catriona Gray.”

“A wave of emotions flooded over me—excitement, nerves, and a profound sense of honor,” pagbabahagi pa niya.

Inamin ng Miss Charm Philippines 2025 na ang pagkakataong ito ay nagbigay sa kanya ng matinding damdamin ng pribilehiyo.

Nagpasalamat din siya kay Mak at binigyang-diin na ang layunin lamang niya ay upang ipagdiwang ang malikhaing sining ng designer at parangalan ang tagumpay na dala ng Miss Philippines Charm title sa Pampanga.

“I understand that wearing such an iconic gown has sparked divided opinions. To those who may have been hurt or offended, I want to clarify that causing pain was never my intention,” sambit niya.

Wika pa ni Cyrille, “I recognize that my actions may have unintentionally diminished the significance of Catriona Gray’s monumental achievements, and for that, I am deeply sorry.”

“I take full responsibility for any misunderstandings or hurt feelings that may have resulted, aniya pa.

Sinabi rin niya na pinagsisisihan niya ang anumang “distress” na kanyang naidulot ngunit nagpapasalamat siya sa pagkakataong matuto sa nangyari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cyrille Payumo (@payumocyrille)

Sa comments section ng kanyang post, nagbigay ng suporta ang ilang pageant fans at beauty queens, kabilang na si Victoria Velasquez Vincent na dinipensahan si Cyrille.

“No need to apologize. The pageant realm should be apologizing for their ongoing toxic behavior towards women who have good intentions,” saad ni Victoria. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ani pa ng kapwa-bueaty queen, “Can’t wait to see you raise our Philippine flag. We are so proud of you.”

As of this writing, wala pang pahayag si Catriona ukol sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending