Tracy Perez lucky charm ang turing sa Pinoy pageant fans; handang-handa nang rumampa sa 70th Miss World | Bandera

Tracy Perez lucky charm ang turing sa Pinoy pageant fans; handang-handa nang rumampa sa 70th Miss World

Ervin Santiago |March 09,2022
facebook
share this

Tracy Perez lucky charm ang turing sa Pinoy pageant fans; handang-handa nang rumampa sa 70th Miss World

Ervin Santiago - March 09, 2022 - 12:48 PM

Tracy Maureen Perez

MAHIGIT isang linggo na lang ang natitirang panahon para sa paghahanda ni Tracy Maureen Perez sa paglaban niya sa 70th edition ng Miss World pageant.

Sa March 17 na gaganapin ang nasabing international beauty pageant sa San Juan, Puerto Rico kung saan maglalaban-laban ang 40 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ngayon pa lang ay todo na ang pasasalamat ng dalaga sa lahat ng kanyang Filipino supporters all over the world, kabilang na ang mga pageant fans na walang sawang tumutulong sa kanyang Miss World journey.

Sa latest post niya sa Instagram, makikita ang ilan niyang litrato suot ang kanyang blue dress OOTD with her Miss World Philippines crown.

Sa kanyang caption, ipinahayag ni Tracy ang kanyang pasasalamat na nabigyan uli siya ng second send-off party ng Miss World Philippines organization kasama ang mga taong malalapit sa kanya.

Isa raw sa mga itinuturing niyang lucky charm ay ang kanyang Pinoy fans na mula noon hanggang ngayon ay nakasuporta at nagmamahal sa kanya.

Ilang beses na-postpone ang grand coronation ng Miss World 2021 dahil sa COVID-19 pandemic. Ilang kandidata at staff ng production ang tinamaan ng virus ilang araw bago ang scheduled pageant.

View this post on Instagram

A post shared by Tracy Maureen Perez (@tracymaureenperez)


Nauna rito, ibinalita rin ni Tracy ang tungkol sa kanyang Miss World website sa pamamagitan ng special shoutout sa Instagram. Siya raw mismo ang nag-conceptualize nito dedicated sa kanyang nga tagasuporta. 

“Have been on this for quite a while now — in between work schedules, personally making the content, the editing, the writing, tweaking the backend, figuring out the ins and outs of creating my own website through the platform given.

“I’m ecstatic that I get this opportunity to share with all of you my perspective of things and that it helped light up my passion for writing once again!” ang caption na inilagay ni Tracy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mababasa rito ang mga naging experience niya sa pagiging beauty queen at ang mga hindi malilimutang ganap sa kanyang buhay mula noong bata pa siya kasama ang nanay niya na nagpalaki sa kanya nang mag-isa.

Life story ni Miss World PH 2021 Tracy Perez pang-MMK at #MPK; hindi bet noon ang beauty pageant

Tracy Perez pasok na sa 2021 Miss World Top 30; tinawag na ‘Queen B’ si Beatrice Gomez

Bea Gomez may bitbit na lucky charm mula sa Vatican nang lumaban sa Miss U PH 2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending