Megan Young itinanggi ang ‘pregnancy rumors’: Busog lang!

Megan Young itinanggi ang ‘pregnancy rumors’: Busog lang!

Pauline del Rosario |April 22,2024
facebook
share this

Megan Young itinanggi ang ‘pregnancy rumors’: Busog lang!

Pauline del Rosario - April 22, 2024 - 11:13 AM

Megan Young itinanggi ang ‘pregnancy rumors’: Busog lang!

PHOTO: Instagram/@mikaeldaez

TINULDUKAN na ni Megan Young ang kumakalat na chikang buntis siya sa first baby nila ni Mikael Daez.

Kamakailan lang kasi, naging agaw-pansin ang recent Instagram video ng couple na nasa Boracay Island at may pino-promote na mga sunscreen product.

Maraming netizens ang nag-react sa nasabing post at sinabing mukhang nagdadalang-tao na ang beauty queen.

Tila hindi pinansin ng mag-asawa ang mga naging komento, pero sa latest video ni Megan ay sinagot na niya ang tila tanong ng mga Marites.

Baka Bet Mo: Megan ibinuking kung ano’ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: ‘Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!’

Ibinandera ng aktres ang kaparehong beach trip nila ng mister na pine-plex naman ang isang thermal flask brand nang may isang IG user ang nagsabing, “Preggy ka na, Meg.”

Nag-reply sa kanya si Megan at ang kanyang sagot: “Busog lang,” kalakip ang isang grinning face with sweat emoji.

Megan Young itinanggi ang ‘pregnancy rumors’: Busog lang!

PHOTO: Screengrab from Instagram/@meganbata

Baka Bet Mo: Megan Young, Mikael Daez 3 years nang kasal, pero bakit nga ba wala pa rin silang baby hanggang ngayon?

Kung matatandaan noong 2022 nang mag-open up ang celebrity couple kaugnay sa pagkakaroon ng anak.

Inamin ng beauty queen na marami ang nagtatanong sa kanila kung may plano silang magka-baby.

Ang tugon niya riyan, “If we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life.”

Taong 2010 nang unang nagkakilala ang mag-asawa sa isang fashion event kung saan pinahiram ni Mikael ang kanyang jacket kay Megan dahil nakita niya itong nalalamigan.

Simula niyan ay nagtuloy-tuloy ang pagkakaibigan nila hanggang sa naging magdyowa na nga sila noong 2011.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dalawang beses ikinasal ang couple noong 2020 – ang una ay nangyari sa Nasugbu, Batangas (Jan. 10) at ang isa naman ay sa Subic, Zambales (Jan. 25).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending