Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us Bandera

Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us

Therese Arceo |September 22,2022
share this

Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us

Therese Arceo - September 22, 2022 - 05:26 PM

Megan Young, Mikael Daez sa pagkakaroon ng mga anak: That’s not a problem with us
INAMIN ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez na ayos lang kung hindi sila magkaroon ng mga anak.

Sa latest episode ng kanilang “Behind Relationship Goals” na inilabas sa kanilang YouTube channel nitong Lunes, Setyembre 19, napag-usapan nila kung panahon na ba para magkaroon sila ng baby.

Lahad ng beauty queen-actress, madalas raw siyang matanong ng mga tao patungkol sa kanilang plano ng mister na magkaanak. Hindi na rin naman daw siya na-o-offend o naiinis sa tuwing makakarinig at makakatanggap ng ganitong klaseng tanong dahil alam niya kung ano ang isasagot.

“My answer to those questions would be, if we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life,” diretsahang sagot ni Megan.

Aniya, sa tuwing mapag-uusapan nga raw nila ito ay nagiging curious ang mga tao kung ano nga ba ang kanilang pananaw sa pagbubuo ng pamilya.

Paglalahad rin ni Megan, “I guess it’s not normal or it’s not like a common thing for couples to be like, ‘Yeah, we’re fine even if we don’t have kids.’ Usually, it’s like ‘Yeah we’re trying,’ or ‘Yeah we really want to have kids,’ or sometimes, ‘Maybe like in the next couple of years’.

“But for them to actually hear, ‘Oh they might actually be okay without kids,’ it’s a bit of a shock to some people.”

Para naman kay Mikael, ang desisyon talaga kung kailan sila magkaroon ng anak ay nakadepende kay Megan lalo na at ito ang magdadala ng kanilang anak sa loob ng 9 months na pagbubuntis.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mikael Daez (@mikaeldaez)

“I say we’re going with the flow and it’s really all up to Bonez (Megan). Because like you said, you are the baby carrier and I’m just here to tell them that I’m here to support,” saad ng aktor.

Dagdag pa niya, “If ever there’s an oops and you get pregnant then okay great, that’s not a problem with us. But if we had a choice, then we’re kind of okay just coasting along living our life, and seeing what life throws at us.”

Amin naman ni Megan, hindi niya inaakala na darating sila sa puntong mapag-uusapan nila ang topic na pagkakaroon ng sarili nilang pamilya.

Binalikan nga ng dalawa ang kanilang mga point of view noon mga panahong nagde-date pa lamang sila at ikinumpara ito sa pananaw nila ngayon sa pagpapamilya.

Aminado rin si Mikael na noon raw ay sinabihan niya si Megan na nais niyang magkaroon ng maraming anak at ng malaking pamilya dahil naniniwala siyang magiging masaya ito bagay na medyo tinutulan ng actress-beauty queen.

At ngayon nga daw ay nagbago na rin ang mindset ng aktor dahil sa kanilang mga pinagdaanan.

“I think it’s discovering what I wanted for my own life. Parang they always say figure out what you really want and it will make you happy,” sey ni Megan.

Pagpapatuloy niya, “Although a lot of people tell me na iba yung saya kapag nagkaanak ka, ‘yung makikita n’yo yung sarili n’yo sa mga anak n’yo… Parang I didn’t know if that is something I really wanted… is that something I want to focus in life?”

Para naman kay Mikael, “Okay I’m happy here but I’m sure in the flip side of having kids and having a family, I can be happy too.”

Matatandaang 2020 nang magdesisyon ang dalawa na magpakasal matapos ang siyam na taong pagiging magkasintahan.

Related Chika:
Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy

Mikael sa asawang beauty queen: I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young!

Mikael, Megan inilabas ang naipong energy makalipas ang 2 taon: We’re super duper excited!

Megan, Mikael umamin: Palagi naming nakakalimutan ang birthday at anniversary namin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending