Megan, Mikael ibinandera ang ‘gender’ ng 1st baby: ‘It’s a boy!’
BABY boy ang magiging panganay ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez!
Ang exciting news ay ibinandera mismo ng mag-asawa sa Instagram kung saan mapapanood ang video ng kanilang “gender reveal” para sa first baby nila.
Sa umpisa, parehong “girl” ang hula ng couple, pero nang makita ang resulta sa laptop ay laking gulat nila na ito pala ay “boy.”
Napahiyaw ng malakas si Megan at sumunod ay ang kanyang mister na napataas pa ang dalawang kamay.
Kasunod niyan, mapapanood na nagkaroon sila ng intimate gender reveal party kasama ang mga mahal sa buhay at doon pinutok ng beauty queen ang isang balloon na may lamang blue confetti na ang ibig sabihin ay lalaki ang anak.
Baka Bet Mo: Megan ibinuking kung ano’ng ginagawa ni Mikael kapag nag-aaway sila: ‘Nainis talaga siya at ayaw niya ako tingnan!’
“Gender reveal!!!” bungad na caption ni Mikael.
Kwento niya, “We set up the studio for our fun get together and asked everyone to come in either pink or blue to see kung ano ang hula nila (their guesses)! Good times.”
Sa comment section, maraming fellow celebrities ang natuwa sa bagong update ng mag-asawa.
Ilan lamang sa mga nasorpresa at bumati ay sina Andi Eigenmann, Rocco Nacino, Iya Villania, Lianne Valentin, Chariz Solomon, Iza Calzado, Glaiza de Castro, at marami pang iba.
Magugunita nitong buwan lang din nang ibalita nina Megan at Mikael na magkaka-baby na sila.
Kung matatandaan noong 2022 nang inamin ng beauty queen na marami ang nagtatanong sa kanila kung may plano silang magka-baby.
Ang tugon niya riyan, “If we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life.”
Dalawang beses ikinasal ang couple noong 2020 – ang una ay nangyari sa Nasugbu, Batangas (Jan. 10) at ang isa naman ay sa Subic, Zambales (Jan. 25).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.