Mark Herras magkaka-baby girl na: 'I don’t know if I’m ready kasi...'

Mark Herras magkaka-baby ‘girl’ na: ‘I don’t know if I’m ready kasi…’

Pauline del Rosario - February 16, 2025 - 11:04 AM

Mark Herras magkaka-baby ‘girl’ na: 'I don’t know if I’m ready kasi...'

PHOTO: Instagram/@herrasmarkangeloofficial

INANUNSYO na ng celebrity couple na sina Nicole Donesa at Mark Herras ang “gender” ng second baby nila.

At ang ine-expect nila ay isang baby girl!

Ang revelation na ‘yan ay ibinandera sa recent YouTube vlog ng mag-asawa na kung saan ay nagkaroon sila ng intimate party kasama ang kanilang pamilya para na rin sa ika-4th birthday ng kanilang panganay na si Corky.

Mapapanood na may inilabas na malaking white box si Mark para sa gender reveal at doon makikita ang mga kulay pink na balloons na nangangahulugang babae ang magiging baby nila.

Baka Bet Mo: Mark Herras sa pag-alis sa poder ni Lolit Solis bilang talent: Kasi nadamay na ang anak ko…

“We’re gonna have a baby girl, and I’m sure everyone will cry,” sey ni Mark na siyang naging punong-abala sa nasabing party dahil siya ang unang nakaalam sa sex ng kanilang second baby.

Saad pa niya, “Parang hindi pa nagsi-sink in sa akin na we’re gonna have a baby girl after Corky.”

“I don’t know if I’m ready to have a girl. I don’t know—ang hirap kasi ilagay sa utak na ang dami nang siraulong tao ngayon,” aniya pa.

Gayunpaman, umaasa si Mark na magiging okay ang lahat at looking forward na raw siyang ma-meet ang kanyang daughter.

Kung matatandaan, August 2019 nang kinumpirma nina Mark at Nicole ang kanilang relasyon.

Nagkaroon naman sila ng unang anak noong February 2021 at pagdating ng Setyembre ng parehong taon ay ikinasal na sila sa isang civil ceremony.

December last year nang inanunsyo nila na magkakaroon na ng kapatid si Corky.

Samantala, kamakailan lang ay naging lamang ng mga balita si Mark matapos mag-perform sa isang male entertainment bar sa Parañaque City.

Ngunit agad naman niyang nilinaw sa isang panayam na hindi siya naghubad on stage at ipinamalas lamang niya ang kanyang pagiging Bad Boy ng dance floor.

“I know it’s a gay bar, pero kasi sa atin grabe ‘yung mga Pilipino na mag-judge ng tao na parang akala nila meron silang karapatan mang-judge sa mga buhay ng tao,” sey niya.

Nabanggit pa ng aktor na nagkataon daw na walang masyadong offer na proyekto sa kanya ngayon kaya tinanggap niya ‘yung pagsayaw sa gay bar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ako namimili basta trabaho, okay ako. So ‘nung inoferan ako sa Apollo, why not? Trabaho ‘yan eh,” sambit niya.

Aniya pa, “Meron nga akong tinatanggap na parang party lang sa events place na maliit lang.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending