Mark Herras sa pag-alis sa poder ni Lolit Solis bilang talent: Kasi nadamay na ang anak ko…
Mark Herras
INAMIN ng Kapuso actor-dancer na maraming nag-offer ng financial help sa kanya noong kasagsagan ng kontrobersya sa pagitan nila ng dating talent manager na si Mark Herras.
Kabilang na nga riyan ang ilang indecent proposals na natatanggap niya online. Aniya, marespeto naman niyang tinatanggihan ang mga ito at sinasabing okay lang ang sitwasyon niya ngayon.
“Straight to the point naman ako. Hindi naman ako ‘yung magpapaliguy-ligoy pa. Sasabihin ko, ‘hindi, hindi ko kailangan.’ I will say what I want to say to that person,” sabi ni Mark sa panayam ng “Tunay Na Buhay.”
Aniya, nadagdagan nga raw ang nag-o-offer sa kanya ng pera mula sa mga taong hindi niya kilala nang magkuwento ang talent manager na si Lolit Solis tungkol sa pangungutang daw niya rito para ipambili ng gatas ng anak niyang si Baby Corky.
“Actually, medyo nanahimik ‘yan tapos nu’ng umingay ‘yung isyu kay Nanay (Lolit) about the 30K, dumami. Dumami na parang, ‘hi, Mark. I can help?’
“Actually, ‘yun pa lang naman ‘yung offer. Siguro ina-assume ko lang na papunta dun kasi I don’t really check the profile,” paliwanag ng aktor.
Ngunit mariin niyang pinabulaanan na kinailangan pa niyang manghiram ng pera para sa gatas ng panganay nila ng Kapuso actress na si Nicole Donesa.
“Sabi ko, paano ako manghihingi ng gatas kung breastfed si Corky from day 1 up to now,” sabi pa ni Mark.
Sa kabila naman ng hindi nila pagkakaunawaan ni Manay Lolit, itinuturing pa rin niya itong ikalawang nanay sa showbiz na nagsilbi niyang manager sa loob ng mahabang panahon.
“Ang sinabi ko na lang sa interview…alam n’yo naman ang mga managers, lalo na si Nanay, lalo na kapag ang mga alaga nila ay nanahimik sa industriyang ito, gagawa at gagawa ng ingay ‘yan para sa mga alaga nila.
“Pero this time kasi ayaw ko lang din ‘yung naging ingay kasi nadamay ‘yung anak ko.
“Kaya humantong kami sa pag-separate ni Nanay, na hindi ko na siya manager, pero Nanay will always be my Nanay,” diin pa niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.