Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy Bandera

Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy

Ervin Santiago |March 29,2022
share this

Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy

Ervin Santiago - March 29, 2022 - 01:43 PM

Megan Young at Mikael Daez

KUNG sina Megan Young at Mikael Daez daw ang masusunod, ayaw pa talaga nilang magkaroon baby ngayong panahon ng pandemya.

Aminado ang celebrity couple na wala pa sa priorities nila ang maging parents dahil may mga plano pa sila para sa kani-kanilang showbiz career.

Pero sabi ni Megan, sakaling bigla siyang mabuntis ni Mikael ay wala ring problema, “We’ll see. When it comes to that, magugulat na lang siguro tayo. Ha-hahaha! I don’t know.”

“For now, the decision is we don’t want just yet. There’s a lot of things lined up for us in work and in our real life that we want to focus on first.

“But I feel like if it happens, then it just happens and I won’t have a problem with that,” pahayag pa ng kauna-unahan at nag-iisang Miss World title holder ng Pilipinas sa isang panayam.

Halos dalawang taon nang nagsasama bilang married couple sina Megan at Mikael (dalawang beses nagpakasal) at nine years nang magkarelasyon pero hanggang ngayon nga ay wala pa silang baby.

Sa isang video ng mag-asawa, pinag-usapan din nila ang pagkakaroon ng mga anak at dito nga nabanggit ni Megan na dati raw ay gusto niyang magkaroon ng malaking family.

“I would always think na since tatlo kaming magkakapatid, maybe I want like four kids in the future. As I got older, the four became three and the three became two and then at one point when I was in college, I was like maybe I just want one kid. But it’s only because I wasn’t sure if I could handle it,” kuwento ni Megan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Megan Young (@meganbata)


Samantala, atat na atat nang mag-travel uli ang celebrity couple kaya umaasa sila na sana’y magtuluy-tuloy na ang pagbabalik sa normal ng lahat at tuluyan nang matapos ang COVID-19 pandemic.

“I’m really looking forward to traveling. I’ve been wanting to visit my mom for the longest time kasi hindi siya nakauwi nung December eh, dahil sa restrictions.

“She’s based in the US now and we decided na huwag na muna siya umuwi kasi ang tagal ng quarantine niya, mauubos lang ‘yung leave niya sa work.

“So we begged off on that trip sadly so we haven’t seen her for more than a year which isn’t as bad but siyempre now that she’s getting older she wants to spend all the time that she can with us.

“So hopefully I can visit my mom soon depending on restrictions and depending on the schedule,” ani Megan.

Megan, Mikael umamin: Palagi naming nakakalimutan ang birthday at anniversary namin

Mikael sa asawang beauty queen: I’m not in love with Miss World, I’m in love with Megan Young!

Sey ni Mikael, bigla na lang mabubuntis si Megan: Don’t worry, pati ako magugulat, promise!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending