Andrew Schimmer sa gender reveal ng bagong baby: It’s a girl!

Andrew Schimmer sa ‘gender reveal’ ng 1st baby nila ni Dimps: It’s a girl!

Pauline del Rosario - October 14, 2024 - 02:42 PM

Andrew Schimmer sa ‘gender reveal’ ng 1st baby nila ni Dimps: It’s a girl!

PHOTO: Facebook/John Andrew Schimmer

HABANG nasa bakasyon sa Japan, ibinandera ng actor-model na si Andrew Schimmer ang “gender reveal” video ng magiging first baby nila ng partner niyang si Dimps.

Sa Facebook, mapapanood sa umpisa ang isang ultrasound na maririnig ang tibok ng puso ng magiging anak ng dalawa.

Ang video caption pa riyan ni Andrew: “You have a very strong heart anak.”

At kasunod niyan ang video ng couple na may hawak na black balloon at may nakasulat na “Boy or Girl?”

Sabay itong pinaputok nina Andrew at Dimps hanggang sa lumabas ang kulay pink na confetti na ang ibig sabihin ay babae ang magiging anak nila!

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer soulmate si Dimps Greenvilla: Masarap siyang mahalin

May pangalan na nga rin ang dalawa para sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

“Meet our little princess Jasmine Andre’ V. Schimmer,” saad sa caption, kalakip ang hashtags na “gender reveal,” at “it’s a girl.”

Kung matatandaan noong Agosto lamang nang inanunsyo ni Andrew na magkaka-baby na sila ni Dimps.

Ipinakita ng aktor ang “positive” na resulta mula sa pregnancy test, kalakip ang mensahe kung gaano sila kasaya dahil sa blessing na ibinigay ng Diyos sa kanila.

“Thank you lord [crying, folded hands emojis] grabeng blessing po nito,” caption ni Andrew.

Tila hiniling pa niya sa dating post na sana ay maging lalaki ang kanilang baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magugunita noong December last year nang may pa-jowa reveal si Andrew sa madlang pipol.

Noong December 2022 naman nang namaalam ang namayapa niyang partner na si Jho Rovero dahil sa iba’t ibang komplikasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending