Andrew Schimmer handa nang pakasalan sa simbahan si Jho Rovero, hindi na hihintayin ang 'tamang panahon' | Bandera

Andrew Schimmer handa nang pakasalan sa simbahan si Jho Rovero, hindi na hihintayin ang ‘tamang panahon’

Ervin Santiago |December 15,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer handa nang pakasalan sa simbahan si Jho Rovero, hindi na hihintayin ang ‘tamang panahon’

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 07:56 AM

Andrew Schimmer handa nang pakasalan sa simbahan si Jho Rovero, hindi na hihintayin ang 'tamang panahon'

Andrew Schimmer at Jho Rovero

TULOY na tuloy na ang pagpapakasal ng model-actor na si Andrew Schimmer at ng kanyang partner na si Jho Rovero sa simbahan.

Kinumpirma ni Andrew na pinaghahandaan na niya ang nalalapit na church wedding nila ni Jho lalo na ngayong unti-unti nang nakaka-recover ang huli sa kanyang mga karamdaman.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook, nagbahagi si Andrew last Monday, December 12, ng litrato ng dalawang singsing na pinaniniwalaang wedding ring nila ng asawa.


Sey ng aktor, finally ay mangyayari na ang matagal na nilang pinapangarap, “We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN. (crying, praying hands emojis) very very (church, sad face, praying hands emojis).”

Bumuhos naman ang congratulatory message para sa mag-asawa mula sa mga netizens at halos lahat ay nangakong ipagdarasal ang relasyon at pagsasama nina Jho at Andrew.

Umaasa si Andrew na tuluyan nang gagaling si Jho na hanggang ngayon ay naka-confine pa rin sa ospital dahil sa karamdaman nitong may kaugnayan sa severe hypoxemia na nagresulta sa iba’t ibang kumplikasyon.

Mahigit isang taon na sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City sa Taguig City si Jho. Isinugod siya roon noon pang nakaraang November, 2021.

Sa ipinost ni Andrew sa kanyang Facebook page tungkol sa medical condition ni Jho, nabanggit niyang gumaganda na ang digestive system ng kanyang future wife.

Stable na rin daw ang blood pressure at oxygen saturation ni Jho at nawala na rin daw ang manas nito.

Alam daw ni Andrew na talagang lumalaban at hindi sumusuko si Jho para gumaling at mabuhay pa nang matagal.

Matatandaang noong October 10 ay nakalabas na sa St. Luke’s Medical Center si Jho ngunit after one week ay muli siyang dinala sa ospital dahil sa muling paglala ng kanyang sitwasyon.

Andrew Schimmer may ‘good news’ ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending