Andrew Schimmer may 'good news' ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero | Bandera

Andrew Schimmer may ‘good news’ ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero

Therese Arceo |November 17,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer may ‘good news’ ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero

Therese Arceo - November 17, 2022 - 06:49 PM

Andrew Schimmer may 'good news' ukol sa lagay ng asawang si Jho Rovero

MULI na namang nagbigay ng update ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa lagay ng kanyang asawang si Jho Rovero.

Sa latest YouTube video ng kanilang pamilyang “The Schimmers” ay ibinahagi niya na doing good na ang kanyang asawa at stable na nga ang lagay nito.

“She’s doing good. Actually she’s very stable at the moment. Marami tayong good news. Isa sa mga good news natin is nato-tolerate na ulit ng kanyang digestive system ‘yung feeding,” paglalahad ni Andrew.

Pagpapatuloy niya, “Medyo unti-unti tinatry ulit na pakainin siya para kahit papaano ay bumalik ang kanyang weight at the same time ma-win back natin siya doon sa mga machine niya ngayon.”

Kwento pa ni Andrew, sa ngayon daw ay stable na ang blood pressure ng asawa hindi gaya noong nakaraan na pinoproblema ito ng mga doktor dahil nagda-drop ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

“Ang naging problem natin nu’ng last time ‘yung biglang nagda-drop ‘yung kanyang blood pressure. So ‘yun ‘yung pinag-iisipan nila last time kung ibababa ulit siya sa ICU para maobserbahan siyang maigi. So far, hindi na natin kailangan gawin ‘yon kasi right now, without the help of any kinds of medícation, very stable ‘yung kanyang blood pressure. So right now, ang kanyang blood pressure is 123/93,” lahad ni Andrew.

Maging ang oxygen saturation ni Jho ay maayos rin ang lagay ngunit mababa naman ang kanyang heart rate.

“Nakakatuwa lang kasi she’s very very strong and she’s really fighting. Maganda ‘yung improvements na ipinapakita niya everyday so huwag lang nating bibiglain. Huwag nating mamadaliin. Step by step uli,” sey pa ni Andrew.

“I will push through. We will push through. Promise ko sa inyo yan. I will not stop. I will never stop hanggang sa makita n’yong okay na okay na siya. Hanggang sa makita n’yong siya na mismo ang nag-a-update sa inyo, hindi na ako, I will never stop.

“Makakaasa kayo dyan. That’s my promise to her. That’s my promise to myself. That’s my promise to you, guys. And that’s my promise to Him up there. We will not stop. Naniniwala ako darating ‘yung panahon na siya mismo ang mag-a-update sa inyo,” sabi pa ni Andrew.

Sa ngayon nga raw ay habang hindi pa kaya ng asawa na magsalita ay siya muna ang magiging boses ni Jho at siya muna ang magpapasalamat at mag-a-update sa lahat ng mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanyang asawa at sa kanilang pamilya.

Unti-unti na ring nawawala ang pamamanas ng asawa ni Andrew at dalangin nga niya na mabawasang muli ang mga machine na nakakonekta sa asawa.

Related Chika:
Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending