Dimps Greenvilla galit sa ama ng mga anak

Dimps Greenvilla galit sa dating kinakasama, mga anak na-trauma

Reggee Bonoan |January 24,2024
facebook
share this

Dimps Greenvilla galit sa dating kinakasama, mga anak na-trauma

Reggee Bonoan - January 24, 2024 - 09:28 PM

Dimps Greenvilla galit sa dating kinakasama, mga anak na-trauma

PUNUMPUNO ng galit ang Facebook post ng fiancée ni Andrew Schimmer na si Dimps Greenvilla ukol sa ama ng kanyang tatlong anak kung saan nagsama sila sa loob ng 14 years.

Si Dimps ang bagong karelasyon ngayon ng dating aktor na vlogger na ngayong si Andrew Schimmer at pakakasalan ngayong taon.

Kasusulat lang namin dito sa BANDERA ang panayam ni Andrew sa vlog ni Julius Babao nitong Enero 22 at nagsabi nga Oktubre 2023 sila nagkakilala ni Dimps at doon nagsimula ang kanilang komunikasyon hanggang sa mauwi sa relasyon at ngayon ay nagsasama na sila sa iisang buong kasama ang kanilang mga anak.

Napansin namin na na-interview din ni Julius ang isa sa anak na kambal ni Dimps at nabanggit ng bagets na sobrang saya nilang magkakapatid dahil nakita nilang masaya ang kanilang ina at lagi nga raw nilang nakikitang laging hinahalikan ni Andrew ang mama nila kapag papasok sila sa kuwarto, sabi nga, “they always kissing and hugging in bed.”

Maging ang panganay na anak ni Andrew ay nagsabi ring masaya na ang bahay nila ngayon dahil punumpuno na ng pagmamahal at marami na sila hindi katulad dati na sobrang lungkot nila dahil nga sa pagkamatay ng mama nila.

Tatlo ang anak ni Andrew at tatlo rin kay Dimps kaya anim na lahat ang anak ng dalawa.

Napanood namin ang report ni Nanay Cristy Fermin sa Cristy Ferminute at nabanggit niyang may tumawag sa kanyang source para sabihing may ka-live in si Dimps at hindi sila okay ngayon kaya hindi ipinakikita ng huli ang tatlo nilang anak, isang lalaki at babaeng kambal.

Kaya payo ni ‘nay Cristy na sana ipakita ni Dimps ang mga anak sa tatay nilang si Gerald Yranon.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer soulmate si Dimps Greenvilla: Masarap siyang mahalin

Kaninang hapon ay pinost ni Dimps ang mga dahilan kung bakit sila nagkahiwalay na ni Gerald at ang mismong mga anak nila ang ayaw makita ang kanilang ama.

Simula ni Dimps, “Eto ang #trauma na ginawa mo sa mga anak ko… Hindi ko sila tinatago s’yo, sila mismo ang ayaw sa’yo… di mo alam kung bakit???

“Nanahimik na kami pero eto ang gusto mo… tatay ka? Pero nu’ng iniiwan-iwan mo kami (kung kelan mo gusto, kung kelan mo kmi babalikan scenario) , dmo sila inisip?? Andyan sa wall ko resibo db??? Pnababalik kita noon plagi para sa mga bata ngayon na nakita mo na ang mga bata na masaya, na nakakita ng totoong father figure kay Andrew at kmi naman natagpuan ng taong to na bubuo saming mag iina? Bigla kang magpapakaama na may pa video-video ka pa sa school para mareport mo sa mga reporters na noon p man knocontact mo na??? Kaya pti principal sa school ng bata itinakas sila pauwi? Pinagsabihan ka na nila db? Nanay ako ng mga anak mo, anong gngwa mo? Pra ma-earn mo ang respeto ng mga bata?”

Nakiusap din si Dimps na tigilan na sila ng dati niyang karelasyon dahil sa ginagawa nito ay lumalayo ang loob ng kanilang mga anak.

“Stop Ge! Lalo mong pinalalayo loob ng mga bata syo!! Ang daming testigo ultimo mga kamag-anak mo, ngm-msg n deserve na naming lumaya s’yo lalo ako… grabe

“Eto ang gusto mo, maisingit name mo s social media news! Ito ang pangarap mo na bukas ila-live ko!

“D ntuturuan ang bata tandaan mo yan!!!! Pag gusto ka at miss ka lalabas yan s knila naturally… grabe ka! Kahit si Kuya Julius di nahiya ang anak mo magkwento ng pagiging ama mo sa kanila.”

Sa madaling sabi ay hindi inilabas ni Julius sa vlog niya ang iba pang usapan nila ng mga anak ni Dimps bilang respeto sa ama nila.

Sabi rin ni Dimps na huwag gamitin ng ama ng mga anak niya ang social media para siguro makakuha ng simpatiya at saka ikinuwento ang hirap na dinanas nito.

“WAG KANG MAGPAAWA SA SOCIAL MEDIA LALO NA HINDI NILA ALAM ANG SIDE KO KUNG BAKIT TAYO NAUWI SA GANITO.

“14 YEARS ANG TINIIS KO SAYO PARA SA MGA BATA dhil alam n alam mo n ayoko dn ng broken family dhil galing n ako doon!!!!

“HINDI PARA SAKIN pra sa bata kya kht dinurog durog mo nko noon pa man, tiniis ko

“SADYANG GANYAN TALAGA ANG PUSO MO BILANG LALAKE. WAG SIDE MO LANG ANG KUNIN NILA. NOON KO PA ITO SINABI, AYOKO SANANG ILABAS PAGIGING WALANG KWENTANG PARTNER MO SAKIN LALO PAGIGING IRESPONSABLENG AMA NA SA 14 YEARS NATIN AKO LAHAT ANG KUMAYOD!!!

“AGAIN AKO! KAYA UN SINUSUMBONG MONG HATIIN PROPERTIES LALABAN AKO SAMPU NG MGA TESTIGO KO. WLA K PA MAN SA BUHAY KO MAY NAIPON AT NAPUNDAR NA AKO. ALAM NG PAMILYA MO YAN!

”GRABE KAYO NGAYON PARA YAN ANG IPAGLABAN SAKIN NA 24/7 AKONG NAGSOLO MAGTINDA-TINDA! DISKARTE NA HINDI KA KASAMA

“OO SA BAHAY KASAMA KA, NANONOOD NG YOUTUBE, NSA ROOM. KUNG KELAN LALABAs pra kumain, dun k lng lalabas. Even helpers testigo! Staff testigo!

“Awang awa sila skin pero dhil mahal kta at nttkot akong mwalan ng tatay mga bata. Nagtiis ako! Nagtiis! Big word!

“Plus ‘yun snsbi mong inalagaan mo kids? Ang daming helpers sa bahay na nag-aalaga ge!! Khit sa bata nlng magtanong mga source mo wag na sakin manggaling.

“Kahit pinsan mong BUO! Ayan ntutuwa na nawala ka sa buhay namin dhil awang awa sila skin ng palihim…

“Mag research kamo mga sumbungan mo. Kht pnka-close friends mo,binabagsak ka! Y? Ang dumi ng puso mo na nagtatago sa pagiging Christian!

“Grabe .. dati wala akong regrets na nkilala at minahal kita, Ngayon??? Sana d mo na ako inagaw sa kabanda mo! Na lahat ng babae nya, inagaw mo.

“MAG NAME drop PA BA AKO? O gusto mo na silang patahimikin gaya ng pananahimik ko ng mga nalaman ko yan pinagggawa mo???

“Sana noon pang nambabae ka, iniwan na kita 3x PMBABAE HBANG TAYO ha not once!!!

“Sana nu’ng last pambabae mo noon pa man na nalaglagan ako ng bata, natauhan nko!

“Sana noon pa dko na pinilit ang taong ayaw naman sakin pinilit ko pang i-keep sa buhay ko na ngayon, mortal na kalaban ang tingin sakin matapos ang lahat ng pagtitiis ko mai-keep lang ang pamilya,” detalyeng kuwento ni Dimps.

At ang huling sabi niya, “NAKAKAPAGSISI LIFE GOES ON. HUHUPA DIN ITO..PERO UN TINATAK MO SA PUSO KO AT NG MGA BATA, SUGAT TO NA MATAGAL-TAGAL NAMING GAGAMUTIN.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, nabasa rin namin sa comments section ang kuwento ng dating staff nina Dimps at saksi siya sa lahat ng hirap na dinanas nito at kung paano siya tratuhin ni Gerald lalo na noong tumaas ang blood pressure niya na hindi man lang siya inasikaso.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig ni Gerald Yranon tungkol sa pasabog na ito ni Dimps.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending