Pakakasalan ni Andrew Schimmer may ka-live in at 3 anak

True ba, pakakasalan ni Andrew Schimmer may ka-live in at 3 anak?

Reggee Bonoan |January 22,2024
facebook
share this

True ba, pakakasalan ni Andrew Schimmer may ka-live in at 3 anak?

Reggee Bonoan - January 22, 2024 - 05:49 PM

True ba, pakakasalan ni Andrew Schimmer may ka-live in at 3 anak?

Andrew Schimmer, Gf na si Dimps

MARAMING nagulat nang ianunsyo ng aktor at vlogger na si Andrew Schimmer na ikakasal na siya sa susunod na buwan.

Parang ang bilis yata niyang umibig ulit gayung wala pang isang taon nang mamatay ang ina ng mga anak niyang si Jorhomy Rovero.

Namatay si Jho noong Disyembre, 2022 at ngayon ay ikakasal na si Andrew sa bago niyang karelasyon na si Dimps Greenvila na noong Oktubre, 2022 lang niya nakilala.

Ito’y base na rin sa kuwento ni Nanay Cristy Fermin sa “Cristy Ferminute” radio program nila ni Romel Chika na umere kaninang tanghali sa Radyo 5 92.3 TRUE FM at sa One Ph YouTube channel.

“May tumawag po sa aking source kaninang umaga. Alam naman po natin ang naganap kay Andrew Schimmer ang dating aktor na nagkaroon po ng misis na nagkasakit hanggang sa pumanaw.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer, GF na si Dimps ikakasal na sa Feb. 14, true kaya?

“Ang dami-dami pong tumulong sa kanyang panawagan at sa kanya pong pagtalakay at pagkakasakit at pagpanaw ng kanyang asawa ay ramdam natin at nababasa ko ang mga komento noon na para bang sa hinagpis niya at paghagulgol  ay wala ng puwang ang kanyang puso para magmahal pang muli ng ibang babae.

“Sobra-sobra siyang maghagulgol sa live (YouTube) niya at para siyang nagpo-promote ng pelikula niya ng mga panahong iyon dahil lahat all over the social media, vlog, interview, one-on-one ay talagang iispin mon a hindi na muling magmamahal itong si Andrew Schimmer,” kuwento ni ‘Nay Cristy.

At bigla na lang nagulat ang lahat na heto’t may bagong pag-ibig na.

“Aba’y kamukat-mukat mo, hindi pa tayo nainip, e, ay magpapakasal naman pala sa bago niyang karelasyon. Okay po ‘yun hindi po natin dapat panghimasukan ‘yun kung totoo namang nagmamahalan sila.

“Pero ito po ang ikinuwento ng aking source, yun pong si Dimples na diumano’y kanyang (Andrew) pakakasalan ay mayroon pong ka-live-in ng 14 na taon na at may anak na tatlo.

“Kilala ko po ang ka-live in nitong si Dimples, siya po si Gerald Yranon miyembro siya ng Boyce Avenue na boyband noon na naging take-off band. Kasama ko po sila sa mga shows sa probinsya at alam na alam ko po ang kuwento tungkol sa kanila ni Dimps.

“Nakilala lang nitong si Dimps at ni Gerald si Andrew Schimmer noong October last year (2023). E, alam n’yo po ang nangyari, naging magkarelasyon na itong si Andrew Schimmer at si Dimps na pagkalipas ng ilang araw kaya nagkaroon ng away ‘yung mag-asawa.

Baka Bet Mo: Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

“Wala pang tuldok! Hindi pa sarado ang relasyon ni Gerald Yranon at saka ni Dimps nag-enter the dragon na kaagad itong si Andrew Schimmer dahil inimbita nila doon sa pag-aari nilang resort sa Tagaytay.

“Alam mo naman nag-iimbita sila ng mga vloggers para sa promo, di ba? Aba ito na agad naging magkarelasyon na.

“Ang pinakamasakit pa ayon sa aking source ay hindi man lang nila (Andrew at Dimps) ipinakikita ‘yung trese-anyos na bata at ‘yung kambal kay Gerald Yranon ngayon.

“Labas kami sa pagmamahalan n’yo, pero ‘wag n’yong pagdamutan ang mga bata na makita ni Gerald ang mga anak ninyo Dimps!” detalyeng kuwento ni ‘Nay Cristy sa “CFM.”

Tsinek namin ang Instagram account ni Gerald at may ipinost siya noong Oktubre 24, 2023 na magkakasama silang pamilya na nakahiga sa kama. Lalaki ang panganay nila ni Dimps at kambal ang babae.

Ang caption ni Gerald, “When we step into the roles of a mother or father, a profound duty arises—an obligation to both your partner and your children.

“There may be moments of stumbling, even moments of feeling overwhelmed by your little ones. Nevertheless, always keep in mind: never lose hope and never give up on each other.

“For, in the grand tapestry of life, your family is a divine blessing, a gift from God, and it’s a treasure always worth fighting for,” ang nakalagay pa sa caption.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa panig nina Andrew sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending