Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko | Bandera

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Therese Arceo |November 05,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko

Therese Arceo - November 05, 2022 - 06:16 PM

Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng misis, humiling ng dasal sa publiko
MAY bagong update ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa kalagayan ng kanyang asawang si Jhoromy “Jho” Rovero.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang isang video kung saan makikitang doing better na ang kanyang misis.

“Update ko lang kayo mga kapatid. As you can see hre on Her latest vid, she’s getting better each day. Wala na po yung kanyang pamamanas, bumababalik narin po dahan dahan ung kanyang self breathing..almost clear nadin po ang kanyang kidneys,” pgbabahagi ni Andrew.

Kaya naman labis ang pasasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na nagdarasal para sa paggaling ng asawa.

“Isa isa pong pinakikinggan ng Panginoon ang ating mga puso. Kaya ngaun palang po nagpapasalamat po ako sa lahat po ng mga taong nanalangin at patuloy na pinagdarasal ang aking asawa,maraming salamat po,” saad ni Andrew.

Aniya, bagamat maganda na ang nagiging estado ng recovery ni Jho ay nananatili pa rin ito sa Intensive Care Unit (ICU).

Pakiusap ni Andrew, “Sana wag po kayong mapagod samahan po akong ipagdasal pa po sha. Nakikinig po ang Langit satin pong mga panalangin.

“Kaya mga kapatid ipag patuloy po nating ipagdasal ang mga mahal natin sa buhay, wag po natin silang sukuan, sabayan at samahan po natin silang lumaban…and together with GOD, WE WILL WiN…AMEN.”

Noong Oktubre 31, naging emosyonal ang aktor na habang inaalala ang kanilang pinagdaanan sa halos isang taong pamamalagi ng asawa sa ospital.

Ito ay ilang araw matapos muling isugod nina Andrew ang asawa sa ospital dahil sa pagkakaroon nito ng lagnat at pagsusuka.

Matatandaang naiuwi na noon ng aktor ang asawa sa kanilang tahanan matapos ang matagal nitong pagkakaratay sa ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Ang dahilan nga ng muling pagkakasugod ni Jho sa ospital ay dahil sa pagtaas ng kanyang sodium level ayon kay Andrew.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa ospital si Jho at under observation pa rin ng mga medical professionals.

Related Chika:
Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending