Asawa ni Andrew Schimmer nakauwi na mula sa pagkaka-confine, Julius Babao nagpaabot ng tulong
PAGKALIPAS ng mahigit isang taong naka-confine sa ospital ay nakauwi na ang asawa ng aktor na si Andrew Schimmer na si Jorhomy Reiena Rovero na nakikipaglaban sa sakit na severe hypoxemia.
Nitong Oktubre 10 ay iniuwi na ni Andrew ang asawa sa bahay nila sa Bulacan kung saan dinalaw sila ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola-Babao para kumustahin at bigyan ng tulong ang pamilya Schimmer.
Ipinakita sa YouTube channel nina Julius at Tintin na pinasadya ang kuwarto ng misis ni Andrew kung saan parang nasa loob pa rin ng hospital dahil may mga gamit din ito at higit sa lahat, kailangan naka-laboratory gown, face mask bago pumasok sa loob.
Habang nasa loob sila ng kuwarto ni Jorhomy ay kinukumusta nina Julius at Tintin si Andrew at ang naging journey nila habang nasa hospital na habang nagkukuwento ang aktor ay nakikinig naman ang wifey niya.
Ang mga nami-miss ni Andrew sa asawa, “actually ‘yung conversations namin kasi bestfriend ko siya kaya. BAgo kasi kami matulog nagkukuwentuhan kami. ‘Yung conversation namin, I miss that, I miss talking to her.”
Ipinakita rin nina Julius at Tintin ang formula na food ni Jorhomy mula sa Nestle at inudyok nila ang manonood ng YT nila nab aka may gustong mag-sponsor nito.
Isa-isa ring ipinakita ni Andrew ang mga procedure everyday na ginagawa sa asawa niya ng caregiver mula sa pagpapakain, paglilinis, pagbibigay ng gamot, pagsa-sunction ng phlegm at iba pa.
Sa Makati City nakatira sina Andrew para malapit sa hospital pero sa Bulacan na sila ngayon naninirahan.
Ang paliwanag ng aktor, “nandoon pa rin ‘yung bahay (Makati) nandito kasi ang family niya (asawa), actually lahat nandito mula sa mother, father, tito, tita, brothers, sisters, cousins niya lahat taga rito. Advise rin sa akin ng mga doctors mas maganda sa recovery niya na meron siyang maririnig na iba’t ibang boses mula sa family member niya kaysa sa same voices everyday na naririnig niya kaya nag-decide ako.
“Actually mahirap ‘yung desisyon ko na ‘yun kasi nga ang lapit namin sa St. Lukes in case of emergency, e, ‘yun nga humingi rin ako ng advise sa mga doctors, e, sabi nila, ilapit mo sa family.
“Hindi puwedeng ikaw lang, mas maganda at mapapabilis ang recovery kung marami talaga siyang kasama.”
Sobrang nagpapasalamat din si Andrew dahil pinayagan silang makauwi ng hospital considering na malaki ang naiwan nilang bills.
“Sobrang thankful ako sa management ng St. Lukes kasi napakiusapan ko sila do’n sa PDC (post dated check). Pumayag sila sa, I’m very thankful,” sambit ng aktor/vlogger.
Kung hindi raw sila umalis ng hospital ay tiyak na aabot na ang medical bills nila ng sampung milyong piso, “hangga’t hindi pa umaabot ng P10M, possible pang bayaran.”
Umabot daw sa P7.1M lahat ang total ng medical bills ng wifey ni Andrew na may mga doctor na nagbawas ng 5% at 10%, ‘yung ibang doctor ay nagsabing saka na lang sila bayaran at unahin ang ibang dapat bayaran.
Bago umalis ng hospital ay nag-iwan si Andrew ng tsekeng nagkakahalaga ng P1M at iba pa ‘yung PDC for 12 months na may pondo at ang kailangan niyang buuin ay ang P4.9M bilang panghuli.
Abut-abot din ang pasalamat ni Andrew sa netizens at lahat ng mga kaibigang tumulong sa kanila para makabuo ng pambayad.
View this post on Instagram
Naibahagi rin nito ang ilang mamayan na tinitipid ang kanilang allowances at kita sa trabaho para makapag-ambag bagay na kinakausap ni Andrew dahil kailangan din nila ang kanilang pinaghirapan for a day tulad ng estudyanteng para magkaroon ng baon ay nagtatrabaho sa vulcanizing shop bukod pa sa street sweeper na walang pamilya kaya hinahati ang P100 na allowance para itulong sa pangangailangan ng asawang aktor.
Abot daw ng P1.5M ang lahat ng nagpadala sa Gcash mula sa mga hindi kilalang tao na nagbibigay ng P5, P10, P20, P50 at P100 na non-stop hanggang ngayon. May mga nagpapadala rin ng mga gamot kaya overwhelming ang pakiramdam ni Andrew sa mga tumutulong para sa asawa.
Samantala, iniabot ni Julius ang tseke mula sa netizens mula sa iba’t ibang bansa na nagpadala ng tulong kay Andrew sa pamamagitan ng kanilang YT channel ng una silang mapanood.
Total of $334.79 pero kinonvert na nina Julius at Tintin ito sa peso na umabot sa P20,000 at personal tulong din mula sa Babao family ang iniabot din ng newscaster.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa 797,000 views ang panayam na ito nina Julius at Tintin kay Andrew samantalang nasa 1.6M views naman ang nauna nilang panayam kung saan dinagsa ng tulong si Joy.
Related Chika:
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba
Andrew Schimmer muling humingi ng tulong para sa asawang nasa ICU
Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.