Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU | Bandera

Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

Therese Arceo - March 03, 2022 - 08:51 PM

Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

NANAWAGAN ng karagdagang tulong ang anak ng aktor na si Andrew Schimmer para sa kanyang inang nanatili pa rin sa ICU.

Gumawa ng “Go Fund Me” page ang anak ng aktor na si Andrea para humingi ng financial assistance para sa mga gastusin ng ina sa ospital.

“Hi my name is Andrea and I’m [doing a] fundraising for my mother who is in the hospital right now because of severe hypoxemia due to cardiac arrest,” saad ng anak ni Andrew.

Aniya, apat na buwan na raw namamalagi ang kanyang ina sa ospital at namimiss na raw nila ito ng kanyang nakababatang kapatid.

“I don’t know what to do anymore since my father is currently unable to work. He tested positive of covid two months ago because he is the one taking care of my mother in the hospital. That’s why he became exposed to the virus,” pagpapatuloy niya.

Kaya naman naisipan ng anak ni Andrew na gawin ang fundraising online dahil nais niyang makatulong sa mga magulang.

“My mother needs her medicines and we cannot provide it anymore. It breaks my heart seeing her in pain and I cannot do anything about it that’s why I’m really begging for any kind of help or assistance. I’m praying and hoping that my message will reach out your hearts very soon,” sey pa ng dalaga.

Hindi naman ito ang unang beses na kumatok sa puso ng publiko ang pamilya ng aktor para humingi ng tulong para sa asawang si Jho Rovero na apat na buwan na ngang nananatili sa ospital.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Base sa detalye sa “Go Fund Me” ay naglalayon ang pamilya na makapag-raise ng $20,000 o P1,000,000 para sa medical at hospital bills ni Jho.

Nagkaroon ng severe asthma attack na nauwi na sa cardiac arrest at brain hypoxia ang asawa ni Andrew na naging sanhi na naging kanilang matagal na pananatili sa ospital.

Related Chika:
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending