Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na Bandera

Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Ervin Santiago |November 25,2021
share this

Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Ervin Santiago November 25, 2021 - 06:54 AM

Andrew Schimmer at Jorhomy Rovero

HUMIHINGI ngayon ng tulong pinansiyal ang aktor na si Andrew Schimmer para sa pagpapagamot ng kanyang asawang si Jorhomy “Jho” Rovero.

Ibinalita ng dating Kapuso actor na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City ang kanyang misis.

May severe hypoxemia ang asawa ni Andrew at ayon sa isang health website, ito ay nangyayari sa isang indibidwal kapag ang level ng oxygen sa dugo ay mas mababa sa normal.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nakiusap ang aktor (na napanood bilang kontrabida sa mga GMA series na Descendants of the Sun, Beautiful Justice at Alyas Robin Hood) na sana’y matulungan sila ni Jho sa lumolobo na nilang bill sa ospital na umabot na raw sa P3 million.

“Good morning po..mga kapatid, ako po’y kumakatok sa inyong mga puso. My wife Jho is still fighting for her life right now in St. Lukes Global ICU because of SEVERE ASTHMA ATTACK na nagresulta sa Cardiac Arrest at Brain Hypoxia o pagkawala ng hangin sa brain.

“Kaya 3 weeks na po sha sa NCCU ng St. Lukes Global Medical Center, at hanggang ngayon ay lumalaban parin po sha pra sa kanyang buhay, gayon narin po kami ng aming mga anak, at ang kanyang buong pamilya at mga mabubuting kaibigan ay lumalaban din para sa kanya,” bahagi ng FB post ng aktor.

Kasunod nito, binanggit nga ni Andrew na patuloy silang naghahanap ng pera para matustusan ang pagpapagamot sa kanyang misis.

“Nangangailangan po sha ngayon ng malaking halaga upang maipagpatuloy po ang kayang mga medications sa ICU, kaya naman po mapasa hanggang ngaun ay lumilikom po ng pera ang knyang buong pamilya at mga kaibigan upang matugunan po namin ang kanyang mga medical needs and bills na umabot na po ng halos 3 Million… 

“Kaya naman po ako’y kumakatok sa inyong po mga mahabaging puso. Please any small amount po is a BIG HELP. 

“Sa mga kapatid ko po sa labas at loob ng industriya, ako po’y kumakatok sa inyong mga pusosa mga kaibigan po namin, at sa mga tao po na interesado pa pong magbahagi ng kanilang mga tulong, paki pa abot nalang po sa kanyang bunsong kapatid (Bdo Account # 004600187507 – Ruby Jennifer Rovero; Gcash 09173011957.

Magandang umaga, at maraming salamat po,” aniya pa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending