Andrew Schimmer muling humingi ng tulong para sa asawang nasa ICU | Bandera

Andrew Schimmer muling humingi ng tulong para sa asawang nasa ICU

Therese Arceo - December 23, 2021 - 06:27 PM

Andrew Schimmer muling humingi ng tulong para sa asawang nasa ICU

NANANAWAGANG muli ang aktor na si Andrew Schimmer para sa asawang si Jorhomy “Jo” Rovero na kasalukuyang nasa ospital pa rin.

Matatandaang noong Nobyembre ay naisulat na namin dito sa Bandera ang kalagayan ng kanyang asawa na nakaratay sa ICU sa St. Luke’s Medical Center.

Si Jo ay may severe hypoxemia. Ito ay isang kondisyon na nangyayari kapag ang oxygen level ng ating dugo ay mas mababa kesa sa normal.

At nito ngang December 21 ay muling kumakatok si Andrew sa mga mabubuting puso ng netizens ng karagdagang tulong para sa kanyang asawa.

“Kami po ngayon, ako kasama ng kanyang mga kapatid, kaibigan at buong pamilya ay lumilikom parin ng malaking halaga na kinakailangan para po matustusan namin ang kanya medical bills.

“Ako po’y nagpapakumbaba at nagsusumamo ng inyo pong mga tulong, para po maituloy namin ang kanyang gamutan, at siya po ay aming mailabas na ng tuluyan ng ospital.

“Wala na po akong mahihiling pang iba sa buhay ko ngayon kundi ang makasama lang po namin siya ng aming mga anak po ngayong pasko. Kaya ako po ay lumalapit at nakikiusap po sa inyong mga puso, any help po right now is a very big help po,” saad ni Andrew.

Nagpasalamat rin ang aktor sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa kanyang asawa na patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman.

“Ako po ay nagpapasalamat sa inyong lahat, dahil po sa tulong na inyong pinaabot, na-provide po namin ang ibang medications and treatments na kinakailangan po ng aking asawa, kaya naman buong puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat.”

Humingi rin ng pasensya si Andrew sa mga tao na paulit-ulit niyang nilalapitan at kinakausap para hingan ng tulong.

“Pasensya na po sa mga ibang kapatid natin na nakukulitan na po sakin, patawarin nyo po ang aking pakikiusap at kakulitan, wala nalang po akong iba pang pwede pang maisip na paraan kundi ang magpakumbaba, lumapit at makiusap po sa inyong tulong.

“Higit isang buwan at kalahati na po siyang patuloy na lumalaban sa kanyang karamdaman at hanggang ngayon po ay naka confine pa rin po siya sa Hospital, dahil sa SEVERE ASTHMA ATTACK, na nag-reresulta sa CARDIAC ARREST at BRAIN HYPOXIA.”

Ang brain hypoxia ay nangyayari kapag hindi sapat ang oxygen na natatanggap ng utak.


Sa ngayon ay stable naman daw ang kondisyon ng asawa ni Andrew ngunit hindi pa rin ito nakakapagsalita.

Napayuhan daw sila ng doktor na mas mapapabilis ang kanyang paggaling kung makakauwi ito at makakapiling at maririnig ang boses ng mga anak.

“Sa ngayon po sa awa ng diyos talagang stable na po ang lagay nya, kahit papaano ay naididilat na po nya ang kanyang mga mata, gayon pa man, hindi parin sya nakakapagsalita at nakakagalaw ng gaano at ang sabi po ng mga doctor ay mas mabuting mailabas na namin sya sa hospital at sa bahay nalang ipagpatuloy ang pag alaga at pag treatment po sa kanya, sa kadahilanang mas magiging mabilis daw po ang kanyang recovery kung maririnig niya at makakausap siya ng aming mga anak..malaking bagay daw po sa kanyang recovery ayon sa kanyang doctor, ang marinig nya ang boses ng kanyang mga anak sa araw araw po.

“Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa mga tumulong sa aming pamilya. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na kami sa inyong patuloy na pagtulong at patuloy na pagdarasal sa akin pong asawa.

“Ang inyong walang humpay na suporta at dalangin ay napakalaking bagay po, lalo sa pagpapalakas at pagbibigay po ng pag-asa at lakas ng loob sa aming pamilya upang lumaban sa hamon ng buhay na aming hinaharap po ngayon.

“Kaya naman po ako’y patuloy na nakikiusap, naway patuloy ninyo po siyang isama sa inyong mga panalangin, nang muli pong manumbalik ang kanyang lakas para sa kanyang mga mahal sa buhay lalo na para sa aming dalawa pong anak, at maging instrumento at biyaya din po ang kaniyang naging karanasan para sa iba pa nating mga kapatid na maaring dumaan sa ganito pong sitwasyon at pagkakataon.”

Bukod sa dasal ay nanganagilangan rin sila Andrew ng tulong pinansyal.

Sa mga nais pong magpahatid ng tulong pinansyal,at kahit na ano pong klase ng tulong, maaari po kayo mag padala po sa alin man sa mga Account ng kanyang dalawang kapatid: GCash 09173011957 – Ruby Jennifer Rovero (Jorhomy’s Sister), 09678906366 – Jherome Rovero (Jorhomy’s Brother), Bdo Account 004600187507 – Ruby Jennifer Rovero.

“Maraming Salamat po sa inyong lahat at pagpalain po tayo ng Poong Maykapal!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending