Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life | Bandera

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Therese Arceo |October 29,2022
facebook
share this

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life

Therese Arceo - October 29, 2022 - 03:30 PM

Andrew Schimmer naluha nang mag-update ukol sa misis: She is fighting the hardest fight of her life
UMIIYAK na nagbigay ng update ang aktor na si Andrew Schimmer patungkol sa kalagayan ng kanyang misis na si Jho Rovero.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi nito ang isang video kung saan ikinukwento niya ang pinagdaanan ng asawa.

Caption ni Andrew sa kanyang video post, “Mga kapatid please help me pray again. Kaylangan nya po ulit ng ating mga panalangin. She is fighting the hardest fight of her life right now. She needs a lot of prayer.”

Aniya, may nakita raw kasing muli matapos itong magpa-MRI.

“Actually, medyo malungkot lang. Nag-MRI test tayo kahapon and then doon sa kanyang MRI, nakita natin na may bagong swelling and bleeding na nangyayari sa brain niya,” pagkukwento ni Andrew.

At habang isinasagawa nga ang MRI test ay bigla na lang may nangyari sa kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

“Tapos kahapon during the MRI test, nag-arrest na naman siya. Nagkaroon siya ng second arrest kahapon. So hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Guys, help me pray. Kasi sa mga panahong ito, lumalaban talaga siya. Lumalaban po ulit siya ng sobrang grabe.Kaya kagabi pa po kami nagdadasal para sa kanya,” lahad pa ni Andrew.

Ito rin daw ang maituturing na “hardest fight” ng kanyang asawa sa iniinda nitong sakit.

Kaya namang muling kumakatok si Andrew sa puso ng publiko na sana ay isama sa mga dasal ang paggaling ng asawa.

“Right now, she really needs a lot of prayers. She is really fighting for her life. Lumalaban po talaga siya.

“Galing lang po ako sa kanya kaninang madaling araw… And yesterday was one of the hardest fight of her life and she is trying to win it,” saad ni Andrew.

Labis rin ang pasasalamat niya sa lahat ng mga taong patuloy na nagpapakita ng pagsuporta at nagdarasal para sa kanyang asawa at sa kanilang pamilya.

Matatandaang makalipas ang ilang araw buhat nang iuwi nina Andrew ang kanyang asawa sa kanilang tahanan ay muli na naman itong isinugod sa ospital dahil sa pagtaas ng sodium level nito sa katawan.

Naging maayos naman ang lagay nito ngunit muli itong nanatili sa ospital para ma-monitor maigi ang kanyang kalagayan.

Related Chika:
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Misis ni Andrew Schimmer muling isinugod sa ICU 1 linggo matapos makauwi mula sa ospital

Andrew Schimmer sa lagay ng misis: Everything is going smoothly!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending