Misis ni Andrew Schimmer muling isinugod sa ICU 1 linggo matapos makauwi mula sa ospital
MALUNGKOT na ibinalita ng aktor na si Andrew Schimmer na isinugod nila uli sa ospital ang kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero.
Isang linggo pa lang ang lumipas mula nang ilabas si Jho sa St. Luke’s Medical Center, Global City sa Taguig pero kinailangan daw uli siyang i-confine.
Pahayag ni Andrew, kailangang manatili raw ng ilang araw ang kanyang asawa sa intensive care unit (ICU) para ma-monitor at mag-stabilize ang heart rate nito.
Pagbabahagi ni Andrew sa kanyang Facebook post ngayong araw, October 17, “Just after a week, she’s back in the hospital again (sad face, broken heart emojis).
“Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha (sad face, broken heart, crying, broken heart emojis).
“Please, plsss pray for Her, she needs it (crying, broken heart, crying emojis),” ang pakiusap ni Andrew sa kanyang mga social media followers.
Aniya pa, “Pls God give Her the strenght to push trough, Kaylangan po sha ng puso ko panginoon ko (broken heart, sad face, crying praying hands emojis).”
Halos lahat ng nakabasa at nakapanood sa video ni Andrew ay nangakong patuloy nilang ipagdarasal si Jho at sinabihan siyang lakasan lang ang loob niya sa mga pagsubok
Matatandaang noong October 10, ibinalita ng aktor na makakauwi na si Jho sa kanilang bahay matapos ang halos isang taong pagkaka-confine sa ospital.
Sa kanyang Facebook Live video ibinahagi niya ang development sa kalagayan ng asawa, “Today is the day, mga kapatid. Lalabas na ng hospital ang aking asawa kaya full force ulit kami dito sa hospital.
“Kasi first time niya ulit… after almost a year, first time niyang masisilayan ang labas ng hospital kaya we’re all very excited,” sabi pa ni Andrew.
November, 2021 nang dalhin nila sa St. Luke’s BGC si Jho dahil sa cardiac arrest at hypoxemia. Dahil sa tagal ng gamutan, isang taon nanatili sa ospital si Jho hanggang sa umabot na nga ng ilang milyon ang kanilang medical bills.
Dahil dito, nilakasan ni Andrew ang kanyang loob para makahingi ng tulong sa mga netizens at sa mga kakilala niyang celebrities para sa pagpapagamot ng kanyang asawa.
Pakiusap ni Andrew Schimmer sa asawang may sakit: Please, fight more…don’t give up yet
Andrew Schimmer humihingi ng tulong para sa asawang nasa ICU, hospital bill nasa P3-M na
Andrew Schimmer napagkamalang scammer, ipinagtanggol ni Ogie Diaz: Mali ‘yung pagkakaintindi ng iba
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.