Suspek sa lolang siniliban patay na rin dahil sa toilet brush

Suspek sa pagpanaw ng lolang siniliban patay na rin dahil sa toilet brush

Ervin Santiago - January 27, 2025 - 12:15 AM

Suspek sa pagpanaw ng lolang siniliban patay na rin dahil sa toilet brush

Photo screenshot from GMA

PATAY na rin ang itinuturong suspek sa pagpanaw ng isang 84-anyos na lola na sinilaban sa Carcar, Cebu.

Base sa report, namatay ang suspek sa loob mismo ng kulungan dahil sa impeksyon sa kanyang lalamunan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nilunok umano ng suspek ang handle ng isang toilet brush na naging sanhi ng agad na pagkamatay nito.

Wala namang nabanggit sa report kung saan nakuha ng namatay na suspek ang toilet brush at kung naisugod pa ito sa ospital matapos ang insidente.

Nauna rito, nabalitang pumanaw na ang sinilaban niyang biyenan noong January 17, 2025 matapos ma-confine ng ilang araw sa ospital.

Baka Bet Mo: Sunshine Cruz nabuntis daw at magpapakasal uli kay Cesar Montano: Fake news po, walang katotohanan!

Nag-viral ang video kung saan makikitang binuhusan ng gasolina ng namatay na suspek ang kanyang biyenan habang ito’y naglalaba at saka sinilaban nang buhay.

Sa ulat ng “State of the Nation” sa GTV,
Nagtamo ng third degree burn ang lola na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Sabi ng apo ng biktima, lasing umano ang kanyang tatay nang utusan siya na bidyuhan ang kanyang lola.

“Kumuha ng cellphone si Papa, ibinigay niya sa akin. Sabi niya kunan mo ng video si lola mo. Iyon nag-uusap sila tapos may kinuha siya sa bag niya, tumbler na may gas. Naamoy ko ang baho ng gas,” pagbabahagi ng bata.

“Itong suspek saka yung victim meron na silang previous grudges. Kasi ayon sa suspek, bini-brainwash niya daw, nung lola yung asawa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Then later on sinabi ng suspek na hindi yata umuwi sa bahay yung misis niya,” ang sabi ni Police Leiutenant Colonel Ruel Burlat, chief ng Carcar City Police.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending