Sunshine Cruz nabuntis daw at magpapakasal uli kay Cesar Montano: Fake news po, walang katotohanan!
KALAT na kalat na ngayon ang tsismis na buntis daw ngayon ang Kapuso actress na si Sunshine Cruz at ang itinuturong ama ay si Cesar Montano.
Mula ito sa ilang video sa YouTube kung saan pinagsama-sama ang mga litrato at interview nina Sunshine at Cesar para palabasing nagdadalang-tao ang celebrity mom.
Sa pamamagitan ng kanyang social media account, mariing itinanggi ni Sunshine ang naglabasang fake news na nagsasabing dinadala raw niya ang ikaapat na anak nila ng kanyang ex-husband.
Ibinahagi ng aktres sa kanyang socmed account ang ilang screenshots mula sa mga vlog na napanood niya sa YouTube kalakip ang pagdedenay sa mga nasabing tsismis.
“FAKE NEWS! I’ve been sent a few videos about this fake news spreading and nagtataka nga ako na may mga bumabati at congratulate sa kin.
View this post on Instagram
“Since meron pa ring napapaniwala and as respect sa partner at bagong pamilya ni Cesar, gusto ko sabihin na wala pong katotohanang buntis ako at magpapakasal sa aking ex-husband,” ang pahayag ni Sunshine.
Ang pagkalat ng nasabing fake news ay nangyari ilang araw matapos mabalita na hiwalay na si Sunshine sa kanyang boyfriend na si Macky Mathay.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita ang dalawa hinggil dito kaya wala pang kumpirmasyon kung totoong nagkanya-kanya na nga sila ng landas.
Si Cesar naman ay maligayang-maligaya sa partner niyang si Kath Angeles.
Last August, 2022, nagkasama-sama pa sina Sunshine, Macky at Cesar sa 18th birthday celebratiom ng ex-couple na si Samantha Cruz.
Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong 2010 at biniyayaan nga sila ng tatlong anak – sina Angelina, Samantha, at Angelica. Napawalang-bisa ang kanilang marriage noong 2018.
Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.