Cesar Montano sa pag-amin ni Atong Ang: ‘Saludo ako!’

Cesar sa pag-amin ni Atong Ang na dyowa si Sunshine: ‘Saludo ako!’

Pauline del Rosario - December 20, 2024 - 08:27 AM

Cesar sa pag-amin ni Atong Ang sa relasyon nila ni Sunshine: ‘Saludo ako!’

Cesar Montano, Sunshine Cruz, Atong Ang

VERY happy ang batikang aktor na si Cesar Montano para sa bagong lovelife ng dating misis na si Sunshine Cruz.

Ito ang kanyang reaksyon nang tanungin ng isang media outlet matapos umamin ang kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang sa “real score” nila ng aktres.

Tila hinangaan pa nga ni Cesar ang katapangan ni Atong na isapubliko ang relasyon nila ni Sunshine.

“Saludo ako kay Atong for being man enough to admit his relationship with Shine,” sey niya.

Mensahe niya sa dalawa, “I sincerely wish that they will live happily ever after. They both deserve to be happy.”

Baka Bet Mo: Gretchen, Atong Ang magkasama sa sabungan; inintriga ng mga netizens

Dagdag din ni Cesar, “When Shine is happy, that means our three daughters are happy, too. And as a father, my daughters’ happiness is mine as well.”

Magugunitang nag-viral sa social media ang kissing video ng businessman at aktres na pinagpiyestahan ng maraming Marites.

At kasunod nga riyan ay ang pagkumpirma ni Atong na girlfriend niya ngayon si Sunshine, base sa ulat na ibinandera ng news anchor na si Pinky Webb sa programang “Agenda” sa Bilyonaryo News Channel noong December 17.

Kung matatandaan, taong 2013 nang maghiwalay sina Cesar at Sunshine.

Taong 2018 naman nang mapawalang-bisa ang kasal ng dating mag-asawa kung saan nagkaroon sila ng tatlong anak.

After niyan ay nagkaroon siya ng six-year relationship sa politician na si Macky Mathay bago mag-break noong 2022.

Si Cesar naman ay very happy ngayon sa kanyang non-showbiz partner na si Kat Angeles.

Samantala, si Atong ay na-link din kay Gretchen Barretto na palagi niyang kasama noon sa pagsasabong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero walang naging kumpirmasyon o pagde-deny ang dalawa kung nagkaroon din ba sila ng relasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending