Gretchen, Atong Ang magkasama sa sabungan; inintriga ng mga netizens | Bandera

Gretchen, Atong Ang magkasama sa sabungan; inintriga ng mga netizens

Ervin Santiago |August 03,2021
facebook
share this

Gretchen, Atong Ang magkasama sa sabungan; inintriga ng mga netizens

Ervin Santiago - August 03, 2021 - 04:53 PM

Gretchen Barretto at Atong Ang

HOT topic ngayon sa social media ang video ng aktres na si Gretchen Barretto at ng kontrobersyal na negosyanteng si Atong Ang habang magkasama sa sabungan. 

Kalat na at pinagpipistahan na ng mga netizens ngayon ang nasabing video kung saan makikita nga ang dalawa na enjoy na enjoy sa ginaganap na online sabong.

Base sa ulat, ang viral video ay kuha sa WPC 2029 na ginanap sa Matira Matibay 12-Stag Derby (4 Stag Prelim) event sa GAPP-Cavite nitong nagdaang July 30. 

In-upload ito sa Facebook page ng Kawa Gamefowl at dito nga masa-sight si Gretchen na may hawak-hawak na manok (Lady Tiger). Siya rin ang nagpakawala ng panabong na manok sa laban.

Napag-alaman na member si Gretchen ng Team Alpha ng Pitmaster group, kung saan kasama rin si Atong Ang. Sa Instagram ng aktres, may ipinost din siyang plug hinggil sa nasabing derby.

Dahil dito, Lady Tiger na rin ang tawag ng netizens kay Greta kasabay ng panunukso sa kanila ni Atong Ang.

May nagkomento pa nga na bagay na bagay daw ang dalawa dahil sa hilig nila pareho sa pagsasabong.  May mga gumamit pa nga ng hashtag #RelationshipGoals sa kanilang mga post.

Kung matatandaan, matagal nang natsitsismis sina Gretchen at Atong pero ilang beses na rin itong pinabulaanan ng negosyante. Dinenay na rin nito ang tsismis sa kanila ng pamangkin ni Gretchen na si Nicole at sister niyang si  Claudine. 

Inakusahan kasi noon ni Nicole ang kanyang tiyahing si Gretchen na inagaw umano sa kanya si Atong Ang. Paglilinaw ni Atong hindi dapat sisihin si Greta sa problema nila ni Nicole. 

“Tungkol kay Nicole, mga four to 11 years ago ay nagkakasama kami nang mommy niya. Kung ano man ang relationship namin, walang kinalaman si Gretchen,” ang sabi noon ni Atong Ang sa isang panayam.

Aniya magkasosyo lang sila ni Gretchen sa mga negosyo kabilang na nga ang sabong, “Si Gretchen kasosyo ko sa casino at saka sabong. Si Tonyboy Cojuangco, kasama ko rin sa casino. May junket ako sa mga casino, si Tony kasosyo ko sa Okada.

“Kung nagkahiwalay kami nila Nicole walang kinalaman si Gretchen. Ang relasyon namin ni Nicole, parang taga asikaso ng mga flights ko and schedule ko noon.

“Iyong relasyon kay Claudine, ako ang nag-ayos nang nagkaproblema sila ng anak ni Mayor Martin Castro, ‘yun lang ang naging relasyon namin,” paliwanag pa ni Atong.

“Si Nicole, pinagaral ko ‘yan, ang nagtrabaho sa akin ‘yung nanay niya. Si Gretchen malapit siya sa asawa ko,” paglilinaw pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Last year (November), nasangkot din sina Atong at Gretchen sa kontrobersiya nang magkasama silang lumipad patungong Iloilo para makipag-meeting sa mga sabong operators. Inakusahan kasi sila na lumabag daw sa health at safety protocols. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending