Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips | Bandera

Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips

Ervin Santiago |November 17,2021
facebook
share this

Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips

Ervin Santiago - November 17, 2021 - 08:00 AM

Diego Loyzaga at Cesar Montano

IBINALITA ng hunk actor na si Diego Loyzaga na maayos na ang relasyon nila ng kanyang amang si Cesar Montano.

Sa katunayan, siya raw mismo ang gumagawa ng paraan para kahit paano’y magkaroon sila ng komunikasyon dahil nga matagal-tagal na rin silang hindi nagkikita dahil sa pandemya.

Sa nakaraang virtual presscon ng bagong movie ni Diego under Viva Films, ang “More Than Blue” na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at JC Santos, nagbahagi ng ilang detalye ang aktor tungkol kay Cesar.

Natanong muna siya kung paano niya naiiba-iba ang atake sa mga role na ginagampanan niya sa pelikula lalo pa’t sunud-sunod nga ang mga projects niya sa Viva Films kahit pa may pandemya.

In fairness, pagkatapos ngang mawala ang aktor nang mahabang panahon sa showbiz, inulan naman siya ng blessings nang bumalik siya sa pag-arte last year.

Ngayong 2021 pa lang ay nakagawa na ng anim na pelikula si Diego, kabilang na ang “Death of A Girlfriend”, “Bekis On the Run”, “House Tour”, “More Than Blue,” “Dulo,” at “Greed”.

Sagot ng aktor, “They’re all very different. I always go back to, like, a part of me that looks like or is like the character and mas pinangingibabaw ko yung ganoong ako para bumagay sa karakter.

“And, of course, adding other details that you get from the script that the director might give you, so siguro, dun ko siya na nadi-differentiate.

“Siyempre, yung iba mahirap. Yung iba mayaman, yung isa magnanakaw, yung isa sawi sa pag-ibig, so they’re all different.

“But then, they’re human. They’re also derived from normal human traits, how a person would react,” pahayag pa ni Diego.

Kasunod na tanong sa binata, humihingi ba siya ng tips sa ama niyang Cesar pagdating sa iba’t ibang style ng akting? Alam naman ng lahat na noong 2017 ay nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mag-ama.

Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila


Sa isang panayam, nabanggit ni Diego na talagang nais na niyang magkaayos ni Cesar.

Sey ni Diego, “Yung sa dad ko, I would love to ask him tips (sa akting). I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time.

“He fell sick previously (August, 2021) from COVID-19 and, because of that, we were able to talk again. Sana, one of these days, I get to see him and definitely ask him a lot of tips, a lot of advice,” aniya pa.

Ang “More Than Blue” ay Filipino adaptation ng 2009 South Korean movie na nagkaroon din ng successful Taiwanese remake noong 2018.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na sa Nov. 19 via streaming ang “More Than Blue” sa Vivamax.

Diego nagdiwang ng ika-26 na kaarawan. Amang si Cesar Montano hindi kabilang sa mga taong kanyang pinasalamatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending