Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing | Bandera

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Therese Arceo |August 27,2022
facebook
share this

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing

Therese Arceo - August 27, 2022 - 11:34 AM

Sunshine Cruz rumesbak sa netizen na nagsabing siya ang rason sa paghihiwalay nila ni Cesar: You know nothing
DIRETSAHANG sinagot ng aktres na si Sunshine Cruz ang isang basher na nagsasabing siya mismo ang dahilan kung bakit naghanap ng iba ang dating asawang si Cesar Montano.

Nitong Biyernes, Agosto 26, nag-post ang aktres sa kanyang Facebook account ng larawan bilang pagbati sa anak na si Sam na nag-celebrate ng kanyang kaarawan.

Present rin sa larawang ibinahagi ni Sunshine si Cesar maging ang bago nitong karelasyon at kanilang mga anak.

At hindi nga maiwasang magkomento ng netizen ng kanyang opinyon sa aktres matapos makita na kumpleto silang pamilya sa naturang larawan.

Saad nito, “Bat Kasi nag bold movies Ka sunshine Cruz Kaya na turn off sau si cecar [Cesar] montano ..naghanap tuloy Ng iba”

Agad namang bumwelta ang aktres sa malisyosong comment ng netizen sa kalmadong paraan.

Sagot ni Sunshine, “You know nothing about our lives. We dont know you kuya. Move on. [laughing in tears emoji].”

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa aktres at pinayuhan ito na huwag na lamang pansinin ang komento ng kanyang basher.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

“Salute to Sunshine Cruz she raise her kids with so much love & respect to his dad. She just shows how kind & happy with her life . God bless,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Tama wag na lang pansinin inggit lang sa kaseksihan mo yan na parang wala syang kasalanan, basta ako hanga sa iyo ms. Sunshine stay sexy focus more on your beauty not on negative people.”

“Shine don’t mind those bully and bashers, ignore them. We are behind you and supportive of you whatever and wherever you are. I love you idol, Be safe out there and God bless you always,” hirit pa ng isa.

Ang kuwento sa likod ng mga larawan kung saan muling nakasama ng aktres at kanyang mga anak ang dating asawa ay dahil ipinagdiwang nila ang 18th birthday ni Sam kaya hindi naman kataka-taka na dumalo si Cesar maging ang iba pa niyang kapatid sa ama.

Kahit annulled na ang kasal nina Sunshine at Cesar ay talaga namang ginagampanan pa rin nila nang maayos ang kanilang mga responsibilidad sa tatlong anak na babae.

Hindi naman naging istrikto ang aktres kung sino ang dapat makahalubilo ng kanyang mga anak dahil open ito na makasama nila ang kanilang mga kapatid sa ama.

Sa katunayan ay close rin ang mga anak ni Sunshine sa kanilang kuya na si Diego Loyzaga na madalas rin nilang nakakasama.

Related Chika:
Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Sunshine Cruz sa mga nababagabag sa kanyang pananamit: Kindly unfollow for your peace of mind

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cesar sa bashers: Hintayin na lang po natin kapag nakaupo na si Sen. Robin, it’s unfair to judge him now

Diego, Angelina, Sam, Chesca nakipag-bonding kay Cesar Montano, Sunshine Cruz nag-react

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending