Diego, Angelina, Sam, Chesca nakipag-bonding kay Cesar Montano, Sunshine Cruz nag-react
MULI na namang nagkasama sina Diego Loyzaga at Cesar Montano ngunit this time ay kasama na rin ang mga kapatid nito sa ama.
Present sa larawan sina Angelina, Sam, at Chesca na mga anak ni Cesar sa dating asawang si Sunshine Cruz.
Sa Instagram post ng aktor ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan at video ng naganap na bonding nilang magkakapatid kasama ang ama.
“Fun fun fun family daaaay [with] Maestro and the twins,” caption ni Diego.
Sa naturang mga larawan at video clips ay makikitang masayang naglalaro ng basketball at badminton ang magkakapatid.
View this post on Instagram
Bukod pa rito ay may larawan rin sila Diego kung saan sabay-sabay silang kumain.
“Dream team,” saad ni Angelina na sinang-ayunan naman ng kanyang kuya.
Hindi naman mapigilan ng ina ng tres marias na si Sunshine Cruz na mag-react sa post ni Diego lalo na at makikitang talagang masaya ang kanyang tres marias.
“Finally all fice of you! More of this please,” saad ng aktres na umani ng papuri sa mga netizens.
Comment ni @sexytatots, “Beautiful inside and out. Sobrang galing mo ma’am magpalaki ng mga anak mo at never ka nagsalita ng bad sa ex mo.. I salute you.”
“Sunshine, super nice ka. Ganyan dapat. Gayahin nung iba sa showbiz.. Di nilalayo sa father. Love love not hate para mas blessed.. Whatever [happens] is father is father pa din nakaka complete sa bata to be happy.” saad naman ni @emma_ignacio.
Kahit ang ina ni Diego na si Teresa Loyzaga ay masaya rin sa pagsasama ng lima.
“When our children are happy, the mothers are happiest!” sey nito.
Related Chika:
Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila
Diego Loyzaga, Cesar Montano nagkasama ulit after 7 years: God made a way to bring us together again
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.