Diego Loyzaga, Cesar Montano nagkasama ulit after 7 years: God made a way to bring us together again | Bandera

Diego Loyzaga, Cesar Montano nagkasama ulit after 7 years: God made a way to bring us together again

Reggee Bonoan |March 04,2022
facebook
share this

Diego Loyzaga, Cesar Montano nagkasama ulit after 7 years: God made a way to bring us together again

Reggee Bonoan - March 04, 2022 - 09:40 AM

Diego Loyzaga, Ceasar Montano nagkasama ulit after 7 years: God made a way to bring us together again
ALL’S well that ends well na ang mag-amang Cesar at Diego Loyzaga pagkalipas nang pitong taong hindi nagkikita at nag-uusap.

Nitong Huwebes ng gabi ay nag-post si Diego ng larawan nilang mag-ama na nasa loob ng basketball court at tila maglalaro at kuha ng aktor noong baby palang siya na karga-karga ng ama.

Mabuti na lang at maputi si Diego na nakuha ang kulay sa inang si Teresa Loyzaga dahil kung hindi ay aakalaing siya si Cesar noong kabataan niya dahil iisa ang mukha nila.

Ramdam namin ang galak na nararamdaman ni Diego ng mag-selfie silang mag-ama dahil ang ganda ng ngiti niya.

Ang caption ng binata sa mga larawang pinost niya, “7 years is a long time for a son not to see his father. After seven years, after mistakes, God made a way to bring us together again.”

At dito humingi ng dispensa si Diego sa ama dahil sa mga pagkakamali niya noong kabataan niya.

Aniya, “I apologise for the impulsiveness of my youth. If we could take back the words and the distance and the time wasted, I would.”

Ang tinukoy ni Diego ay noong naglabas siya ng galit sa amang si Cesar dahil pinalayas siya sa bahay nito at sinabihang ipahuhuli kapag nag-positive sa drug test ang anak.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Diego (@diegoloyzaga)

 

Sinabihan ng binata ang ama ng hypocrite sa kanyang IG account at pinost nito ang negative result, “Test na pinagawa mo sa akin. Ano pa ngayon? O adik pa ako? Gusto mo ng isa para makuntento ka na.”

Hindi na makikita ang post na ito ni Diego sa kanyang Instagram dahil pinatanggal daw sa kanya.

Anyway, sa muli nilang pagkikitang mag-ama ay nagsabi si Diego na babawi siya sa ama, “One thing we can do is make up for it. It was so good to see you and play ball with you today.”

Nagsabi rin ang aktor na laging unahin at bigyan ng panahon ang pamilya dahil hindi mo alam kung anon a ang mangyayari kinabukasan,.

“Value your family and loved ones today for tomorrow is not promised. As I mature, the more I wish saying sorry was enough to fix all of the worlds problems. Just peace and love and nothing else matters,” sabi ng binata.

Natuwa at ipinagmamalaki ni Teresa ang ginawang gesture ng anak, “You make me Proud son. I love you.”

Ayon naman sa netizen na si @razzlancin, “The most beautiful photos I have seen today.”

Sabi naman ni @clarice_fey, “I strongly believe that in order to find your true love, you must heal yourself first so u could give love! This is a great healing for you Diego.”

At sa loob lang ng isang oras at kalahati ay umabot na sa 20k ang nag-like sa post na ito ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Diego mas naging malapit uli kay Cesar nang dahil sa COVID; balak humingi sa ama ng acting tips
Mga anak ni Sunshine nagmana kay Cesar: Napakahusay din naman kasing artista ng ama nila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending