Sunshine ayaw nang gawing public ang lovelife: Paglalaruan lang

Sunshine ayaw nang gawing public ang lovelife: Paglalaruan lang!

Ervin Santiago - October 27, 2024 - 06:15 AM

Sunshine ayaw nang gawing public ang lovelife: Kasi mapaglalaruan lang!

Mack Mathay, Sunshine Cruz at Cesar Montano

KUNG magkakadyowa man uli ang Hot Mama na si Sunshine Cruz, ayaw na niya itong ipangalandakan sa publiko para tahimik na lang at iwas-intriga.

Sa edad na 47, fresh na fresh pa rin ang awrahan ng kagandahan at kaseksihan ni Sunshine kaya naman imposibleng walang magkakagusto at manliligaw sa kanya ngayon.

In fairness, kung hindi lang alam ng publiko na tatlo na ang kanyang anak ay aakalain mong dalaga pa rin ang aktres dahil batambata pa rin ang itsura ng ex-wife ni Cesar Montano.

Kaya naman sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong si Sunshine Cruz kung ready na ba siyang pumasok muli sa isang seryosong pakikipagrelasyon.

Baka Bet Mo: Sunshine Dizon kinukwestiyon pa rin ang sarili sa paghihiwalay nila ng asawa: Saan ako nagkulang?

“Well I’ve been with an action star, I’ve been with an ano…basta ngayon, masaya lang ang buhay. Nandiyan ang mga anak ko, pamilya ko,” sagot ni Sunshine.

“Kung wala, okay lang ako. Kung meron, okay lang din ako. Para sa akin kasi talaga, ang mundo ko, umiikot sa aking mga anak, sa pamilya ko,” sey pa ng aktres.

Pero sey ni Shine, “Kung may darating, ‘Thank you Lord!’ Kung wala, ‘Thank you Lord!’ pa rin, ‘Kasi binigyan Mo ako ng tatlong magagandang anak.’ Na eventually, kapag tumanda akong mag-isa, aalagaan ako.


At sakali man daw na magkaroon uli siya ng boyfriend, mas gusto niyang maging private na lamang ito para makaiwas sa tsismis, intriga at pakikialam ng ibang tao.

“Ako nasabi ko na ito before. Magkaroon man ng someone na nandiyan para sa akin o hindi, it’s something that I really don’t want to talk about in public anymore.

“Ang importante sa akin is yung approval ng mga anak ko, at kung may respeto ang mga anak ko, okay doon sa lalaki, then ‘yun ang mahalaga,” ani Shine. aktres.

Esplika pa ng celebrity mom, “Para sa akin, ang hirap lang ma-involve ng public kasi mapaglalaruan.

“So hanggang maaari, kung meron akong dini-date o ide-date, what you see is what you get na lang. Kung makita niyo kami, eh ‘di okay, kung hindi, okay.

“Pero para i-share pa ulit sa social media or sa public, especially kung ‘yung lalaki hindi naman taga-showbiz, huwag na lang,” saad pa ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Na-annull ang kasal nina Sunshine at Cesar taong 2018 hanggang sa makarelasyon niya si Macky Mathay na nauwi rin sa hiwayan. Tatlo ang naging anak nina Sunshine at Cesar – sina Angelina, Chesca at Sam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending