Cindy Miranda 2 years nang walang dyowa; Kiko hugot na hugot sa love
HINDI minamadali ang love. Kapag nagmahal ka ng totoo at wagas, hindi ka dapat umaasa ng anumang kapalit.
Yan ang ilan sa mga lesson na natutunan nina Kiko Estrada at Cindy Miranda pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Nakachikahan namin sina Cindy at Kiko sa presscon ng bago nilang pelikula under Viva Films, ang “40” kung saan tatalakayin ang isang uri ng pagmamahal na siguradong marami ang makaka-relate.
Baka Bet Mo: Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever!
Natanong ang dalawang lead star ng movie kung ano ang greatest lesson they have learned when it comes to love.
View this post on Instagram
“Huwag po madiliin. Huwag ma-inlove, magka-boyfriend just for the sake na may kasama ka. Natutunan ko pong maging masaya muna sa sarili ko,” pahayag ni Cindy.
Ayon pa sa dalaga, dalawang taon na siyang single ngayon pero kapag dumating na yung taong itinadhana para sa kanya at bukas naman ang kanyang puso.
“Kaya kapag tinatanong ako kung bakit wala pa akong boyfriend, kasi feeling ko dahil na-busy din po ako sa work ko, tapos masaya naman po ako. Marami po akong friends. Nandiyan lahat ng friends ko,” aniya pa.
“But anytime na dumating po kung sino man ’yun, okay lang, I’m ready. At least, mahal ko ’yung sarili ko, tanggap ko ’yung sarili ko.
“And, from there, pwede na ko magmahal kasi parang before, feeling ko hindi ko mahal ’yong sarili ko, mas mahal ko ’yung partner ko. I think ’yun ’yung pagkakamali ko dati,” pagbabahagi pa ni Cindy.
View this post on Instagram
Para naman kay Kiko, “When you love, you love without return. ’Yun ’yung pinakanatutunan ko sa pagmamahal. That’s selflessness.”
Samantala, sa kagustuhan niyang wakasan ang kanyang buhay, makikilala ng isang dalaga ang lalaking
maaaring magdala sa kanya sa bagong simula.
Ang tambalang Cindy Miranda at Kiko Estrada ang bagong aabangan sa pelikulang “40”.
Si Cindy ay gaganap bilang si Megan, isang vlogger at content creator na nakatanggap ng maraming bashing dahil sa kanyang peke o gawa-gawang video. Dahil sa patung-patong niyang problema’t hinanakit, nagtangka siyang mag-suicide, pero biglang may sasagip sa kanya.
Si Kiko ay si Archie, may-ari ng isang computer shop. Hindi na niya nilubayan si Megan simula nang pigilan niya ito sa pag-suicide. Aalis lamang siya kapag sigurado na siyang nasa tamang pag-iisip na si Megan.
Pinayuhan niya itong tratuhin ang problema bilang kaaway na dapat talunin, at hindi magpatalo dito. Habang kinukwento ni Megan ang mga hinanakit niya sa buhay, paano mapapakita ni Archie na maganda pa ring mabuhay?
Saan nagmumula ang pagiging positibo ni Archie? Talaga bang makakaasa si Megan na nandiyan lang si Archie sa tabi niya?
Mula sa direksyon ni Dado Lumibao, ang direktor ng mga hit drama movies gaya ng “Always” at “Wedding Dress” at mga drama TV shows tulad ng “The Greatest Love” at “Maalaala Mo Kaya”, kasama rin sa pelikulang “40” sina Yayo Aguila, Boboy Garrovillo, Irma Adlawan, Ruby Ruiz, JC Tiuseco, at ang batang aktor na si Lawrence dela Cruz, at sa isang natatanging pagganap, si Diego Loyzaga.
Ang original song ng Ben&Ben na pinamagatang “Leaves” ang napiling movie theme song, gamit ang version ni Martin Nievera.
Showing na ang “40” sa mga sinehan nationwide simula sa September 4.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.