Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever! | Bandera

Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever!

Ervin Santiago |April 11,2022
facebook
share this

Cindy Miranda umaming nadadala sa mga ginagawang sex scene sa pelikula: Wala pa akong mabahong nakaeksena, ever!

Ervin Santiago - April 11, 2022 - 07:12 AM

Cindy Miranda

NAGPAKATOTOO ang sexy actress at dating beauty queen na si Cindy Miranda tungkol sa pakikipaghalikan niya at paggawa ng mga love scenes sa pelikula at digital series.

Diretsahang sinabi ni Cindy na nadadala at tinatablan din siya kapag sumasalang na sa mga maiinit at matitinding na sex scenes sa harap ng mga camera.

“Oo, siyempre, tao lang naman tayo saka ‘being’ talaga ako as an actress. Talagang iniisip ko na nasa sitwasyon ako, na ako talaga yung karakter,” ang matapang na pahayag ni Cindy sa naganap na online presscon ng bagong Vivamax original series na “Iskandalo” last Friday, April 8.

Patuloy na pahayag ng dalaga, “Honestly, naaapektuhan ako, but we need to be professional. We need to realize na after that scene, hindi na tayo yung karakter na yun.

“May mga kanya-kanya tayong buhay, huwag na nating guluhin yung buhay ng ating co-actors. Yun ang palagi kong sinasabi ko sa sarili ko na I need to be professional,” katwiran ni Cindy.

Ibinuking pa nga ni Cindy ang ilang mga kaganapan sa shooting o taping kung saan may mga kapwa siya artista na umiiyak kapag sumasabak na sa mga love scene dahil talagang hindi raw ito madali.

“May ibang umiiyak sa love scenes kasi nakakatakot po talaga. Hindi man totoo yung ginagawa namin, very sensitive po yung mga ganyang bagay but, of course, sana yung lahat po make sure na mag-toothbrush.

“Respeto yun sa ating mga co-actor. Kung anuman yung dapat nating linisin sa mga katawan, we know ourselves better than anyone else.

“Kung anuman yung naaamoy, mga hindi magandang naaamoy, sana linisin na lang natin para maganda yung trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Cindy Miranda (@cindy)


“Respeto yun sa lahat. Ayaw mo naman magkaisyu na ‘mabaho ‘yan, may body odor ‘yan,'” chika pa ni Cindy.

Maswerte raw siya dahil lahat naman ng nakakatambal niya sa pelikula ay malilinis at walang dugyot, “Lahat nagpapabango. Ang bango-bango nga po masyado.

“Nakakahiya. Makikita mo nga, nagma-mouthwash pa sa harap mo, parang they want you to know, ‘Hey, nag-mouthwash ako!’ Pero ang worse lang, marami po ang weird pero wala akong mabahong nakaeksena ever.

“I think suwerte po ako na ang Viva they make sure naman na kapag may kapartner ka, alam nila ang dapat gawin.

“Ang feeling ko naman, yung mga PA (personal assistant) natin, they’re there to help everyone para maging maganda yung flow.

“You can tell naman po, before mag-start, kapag alam mong may mali. Puwedeng magsabi na, ‘Pwede bang mag-toothbrush o mag-mouthwash,’ something like that,” paliwanag pa ni Cindy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula na kahapon, April 10 sa  Vivamax ang “Iskandalo” series mula sa Viva Films. Kasama rin ni Cindy dito sina Ayanna Misola, AJ Raval, Jamila Obispo, Angela Morena, Julio Diaz, Evangeline Pascual, Sean de Guzman, Rocky Salumbides, Pio Balbuena, Francis Magundayao, Joko Diaz, Jay Manalo, Joone Gamboa at marami pang iba.

Cindy Miranda nahirapan sa love scenes nila ni Aljur: ‘First time ko po sa lalaki’

Cindy Miranda gustong makilala si Kylie Padilla: Bilib ako sa kanya dahil sobrang strong niya

Cindy Miranda hinding-hindi makikipag-sex sa loob ng kotse: Baka mahuli pa ako, di ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending