Aljur barag na barag, laos na raw kaya sumabak sa politika?

Aljur barag na barag sa bashers, laos na raw kaya sumabak sa politika

Ervin Santiago - October 22, 2024 - 12:45 AM

Aljur barag na barag sa bashers, laos na raw kaya sumabak sa politika

AJ Raval at Aljur Abrenica

MATITINDING banat ang natatanggap ngayon ni Aljur Abrenica mula sa mga netizens dahil sa pagtakbo niya bilang konsehal sa Angeles City, Pampanga.

Kabilang na riyan ang naging komento ng isang netizen sa Instagram post ng partner ni Aljur na si AJ Raval kung saan ipinagtanggol nito ang aktor sa mga laiterang bashers.

Isa si Aljur sa napakaraming artistang naghain ng Certificate of Candidacy (CoC) nitong nagdaang linggo para sa pagkandidato niya sa 2025 elections.

Ayon sa netizen na nag-iwan ng komento sa isang Instagram photo ni AJ, paano raw sasabihing magsisilbi sa mga tao si Aljur, e, iniwan nga nito ang dating asawang si Kylie Padilla kung saan meron siyang dalawang anak.

Sabi ng netizen, “Tigas ng mukha mo tumakbo ng eleksyon eh sariling pamilya mo nga iniwan mo at hindi mo mapanindigan taong bayan pa kaya! laos na kasi kaya politika naman ang gagawing gatasan.”

Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Sinagot naman siya ni AJ ng, “I will pray for you. Godbless you and your Family.”

Pero hindi pa rin tumigil ang netizen, matapang pa rin nitong sinagot si AJ, at nagsabing bakit daw siya ang salita nang salita at feeling legal wife.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Bwelta ng netizen kay AJ, “Thanks! diko kailangan ng prayers mo kung sa gaya mo rin lang na tao mangagaling ang dasal at tingin ko mas need mo ata ang dasal namin para sayo at sa jowa mong laos at irresponsable kasi hindi naman kami ang nang agrabyado sa pamilya ng jowa mo.

“Tsaka hindi naman ikaw ang issue at hindi naman ikaw nag tatakbo sa eleksyon kung makapag react ka as if ikaw yung legal wife!

“At sa totoo naman eh paanong tutulong jowa mo sa taong bayan kung sarili nyang asawa at mga anak hindi nya naipaglaban at napanindigan taong bayan pa kaya!?” sabi pa ng basher.

Wala na kaming nabasang sagot ni AJ laban sa naturang basher.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring sinasagot si Aljur sa mga nambabasag sa kanyang pagtakbo sa 2025.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending