Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: 'Respeto naman!' | Bandera

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Ervin Santiago |February 08,2023
facebook
share this

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: ‘Respeto naman!’

Ervin Santiago - February 08, 2023 - 07:35 AM

Donnalyn Bartolome binarag ng socmed personality na si Rendon Labador, netizens rumesbak: 'Respeto naman!'

Rendon Labador at Donnalyn Bartolome

BARAG na barag ang actress at vlogger na si Donnalyn Bartolome sa social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador.

Matapang na naglabas ng kanyang saloobin si Rendon sa nag-viral at trending na namang kontrobersya na kinasasangkutan ni Donnalyn kaugnay ng naging reaksyon niya sa isang netizen na nanganak.

May nag-message kasing nanay sa aktres at content creator na nagsabing nakakaramdam siya ng insecurity matapos ngang isilang ang kanyang baby.

Pinuri niya nang bonggang-bongga si Donnalyn dahil sa kagandahan nito. Aniya, mas lalo siyang nakakaramdam ng insecurity kapag humaharap sa salamin. Nagbago na raw kasi ang kanyang hitsura nang manganak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


Reaksyon naman ni Donnalyn, “Mommy isipin mo na lang binuntis ka… sobrang ganda mo siguro. Ako walang bumubuntis.. parang talo mo ko sa ganda wag ka na ma-insecure diyan ha… I’m sure maganda ka, smile ka na.”

Nilagyan pa niya ito ng caption na, “Maganda talaga pag binuntis.”

Maraming bumatikos kay Donnalyn dahil dito kahit na maganda naman ang kanyang intensyon, kabilang na nga riyan ang social media influencer na si Rendon Labador.

Ayon sa Facebook post ni Rendon Labador, sana raw ay mabuntis si Donnalyn ng isang lalaking may utak para hindi na ito maging “bobo.”

“To be fair, hindi naman offensive ang statement niya. Sadyang tanga lang talaga si Donnalyn.

“Ako na po ang kusang loob na makiki-usap na intindihin na lang natin siya.

“Kawawa yung tao kasi hindi niya alam kung saan siya nagkamali. #PrayForDonnalyn,” ang nakasaad sa FB post ni Rendon.

Narito naman ang ilang reaksyon ng netizens sa pambabatikos ng socmed personality kay Donnalyn.

“Ikaw na bumuntis idol para mgkautak na yan tsk.”

“Minsan…Hindi naman sa material na bagay tayo nasasaktan.. Lalo na kng nakakasugat.. Makukuha pang manghilom.. Pero sa dila na Parang sandata na patalim.. Kaya nyang sugatan ni kalaliman ng iyong puso na akala mo naman sya man hindi nakaranas ng ganyang salita.. Kaya Minsan.. Nasa wasto ang gamit ng salita, kng kinakailangan makasakit para ikakabuti.. Pwede. Pero kng salita na nakakasakit lang.. Teka lang ikaw ba nagsilang at nagpagatas sa kanya hanggang umedad sya ng ganyang gulang para masaktan lamang sa iyong pananalita.”

“Sana idol mamigay ka ng talino, pansin ko umaapaw ang talino mo eh, lagpas na sa ulo mo.”

“We have different lifestyle bro, i admired your motivation but don’t forget to give respect each and everyone. God bless you.”

“Yong feeling motivational speaker sa una tapos ngayon feeling motivational basher na naman. pinag iwanan ka na ni kiko at kent jhon tokmol!!!”

“Kawawa magulang neto ni rendon sigurado problemado na sila kakaisip san sila nagkamali sa pagpapalaki ng taong to.”

“Ay iba nato may lihim tong pag tingin kay Donnalyn sa umpisa palang umaapaw na ata paghanga nito, pati dunong ng kayabangan lagpas Hanggang ulo na.”

Kung matatandaan, binasag din ni Rendon si Donnalyn nang mag-viral  ang “balik-trabaho post” nito matapos ang holiday season.

Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee

Celebs apektado sa hugot ni Mimiyuuuh: ‘Kakapagod rin po mag-motivate, kayo naman mag-motivate sa akin para it’s a tie’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending