Celebs apektado sa hugot ni Mimiyuuuh: ‘Kakapagod rin po mag-motivate, kayo naman mag-motivate sa akin para it’s a tie’
PINATULAN ng mga netizens at ilang celebrities ang nakakalokang hugot ng social media influencer na si Mimiyuuuh tungkol sa mga ginagawa niyang motivational video.
In fairness, bentang-benta sa kanyang followers ang mga paandar niyang “real talk” motivational videos para ma-inspire ang madlang pipol tuwing sasapit ang araw ng Lunes.
Dito, mapapanood ang mga tips at advice ni Mimiyuuuh sa mga Pinoy upang mas ma-motivate at ma-inspire na magtrabaho para sa mas lalong ikagaganda ng ating buhay.
Pero nito ngang nagdaang Lunes, may malalim na hugot si Mimiyuuuh at wala raw siyang maise-share na video ngayong linggo.
Ang post ng socmed at online personality sa Instagram, “KAKAPAGOD RIN PO MAGMOTIVATE OPO. KAYO NAMAN PO MAGMOTIVATE SAKIN PARA IT’S A TIE”.
Sunud-sunod naman ang comments at reaksyon ng netizens sa mensahe ni Mimiyuuuh kabilang na nga riyan ang mga kaibigan niyang celebrities. Kanya-kanya silang bigay ng payo.
“MIMI, WORK TAYO, OO. TINATAMAD KA??? AY WOOOOOW. DIBA MAY PANGARAP KA? WORK TAYO,” ang komento ni Darren Espanto.
Sey ni Moira dela Torre na kuha rin sa dating advice ni Mimiyuuuh, “Mimi, tinatamad ka? ok. ayaw mo na magwork? ok. Labyu.”
Kahit ang beauty queen na si Samantha Bernardo ay nag-react din at pinayuhan siya na rest-rest din pag may time, “Tao lang rin po tayo, napapagod. Pahinga lang po kayo pag napapagod.”
At in fairness, kahit ang official account ng TikTok Philippines ay naki-join din sa paandar ni Mimi, “PSA: wala po munang magtatrabaho habang pagod pa po si Mimi, opo.”
Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate
COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…
Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.