COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko... | Bandera

COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Ervin Santiago - May 17, 2021 - 09:34 AM

TINAMAAN din pala ng COVID-19 ang mga magulang ng internet sensation at vlogger na si Mimiyuuuh na siyang dahilan kung bakit nawala siya pansamantala sa YouTube.

Nagkuwento si Mimiyuuuh tungkol sa naging laban ng kanyang parents na sina Nanay Bheng at Tatay Amadz kontra-COVID nitong nagdaang Abril sa pagbabalik niya sa vlogging world.

Aniya, nagpahinga muna siya sa paggawa ng mga vlog matapos maranasan ang aniya’y “very traumatic incident” sa kanilang buhay.

Labis siyang nakaramdam ng takot nang maging severe ang kaso ng kanyang nanay. Kasabay nito, inamin din niya na isa siya sa mga taong hindi masyadong sineseryoso ang COVID-19.

“So, my parents po had COVID. Opo, totoo po ang COVID guys–COVID is real, kasi to be honest, at first ako po ‘yung one of the people na I think COVID is a hoax.

“Parang hindi po siya totoo, parang pinapalala lang po ng media ang mga nangyayari about COVID. And I was like COVID ain’t got nothing on me B. Come for me COVID,” ang pabiro pa niyang sabi.

“Ganu’n ako talaga, noong una, pero kinain ko po lahat ng sinabi ko, because of what happened to my parents.

“Si Tatay naman po, thank God, e, medyo mild po ang kanyang symptoms. Pero, ahhh gurl, sobrang nakakatrauma po ‘yung nangyari sa nanay ko, opo, kasi siya po ‘yung severe po ang case ng COVID,” patuloy pa niyang paliwanag.

Kuwento pa ni Mimiyuuuh, nalaman nilang positive ang kanyang nanay nang magpa RT-PCR test ito noong April 5. Nakaramdam daw ng sintomas si Nanay Bheng pagkatapos nitong mag-outing kasama ang asawa.

Ang masaklap pa raw dito ay nakuha nila ang positive result ng kanilang nanay noong April 6, ang mismong kaarawan ni Tatay Amadz.

“Nagwo-worry po ako, ‘ha! Bakit wala pa pong result if sabi niya po parang kinabukasan ng morning may result na po.’

“Yan ise-send daw po nila sa aking email, ‘yun pala na-view ng aking handler sa aking e-mail ‘yung result. So pagka-check ko po doon positive po ang aking nanay,” aniya pa.

Agad naman daw na nag-self quarantine si Nanay Bheng sa tahanan ngunit nang hindi pa rin bumubuti ang kundisyon nito, nagdesisyon na sina Mimiyuuuh na kumunsulta sa doktor at dalhin na sa ospital ang magulang.

“April 9 po is the worst day ever, opo, in my entire life! Tsinek po ni Ms. Marife Mallari (Dr. Marife Mallari) po ang aking nanay and ‘yun nga po ang baba nga daw po ng kanyang oxygen, dapat pala ‘yung mga ganyang oxygen level lower than 95 na-admit na po sa ospital.

“So sabi po ni Miss Marife, na i-admit daw po du’n sa St. Luke’s Q.C. kasi kilala niya po ‘yung pulmonologist du’n.

“Nag-ready po kami ng mga dadalhin, sumama po du’n sa ospital ay si Kuya, si Bebe, pati rin po ‘yung tito ko po as a driver and naka-PPE po sila, naka-face shield, naka-double mask ganyan.

“So, ang ginamit po namin ay ‘yung aming car, so tinanggal po muna namin ‘yung oxygen ni Inay sa kanyang ilong para malipat po siya sa car.

“Tapos, sobrang nagulat po kami, sumisigaw na ‘yung kapatid ko, ‘Nay, Nay, Nay!’ So kami lahat nataranta, so lumapit kami kay Inay, sumugod kami sa kanya, nahimatay na pala ang nanay ko.

“Tapos nakita ko po ‘yung nanay ko…grabe! ‘Yung mata niya po parang tumitirik na po, para po siyang isda na nakawala po sa tubig. Alam n’yo po ‘yung nagga-grasp po siya ng hangin.

“Sobrang hirap na hirap po siya huminga, so parang kami, ‘yung oxygen, oxygen, oxygen ganyan’.

“Grabe ‘yung experience kaya po umiyak na lang din po ako, kasi parang akala ko po mawawala na ‘yung nanay ko sa harapan ko,” emosyonal pang kuwento ni Mimiyuuuh.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abot-langit ang pasasalamat ng vlogger nang gumaling na ang kanyang parents. Nag-thank you rin siya sa lahat ng medical workers na tumulong sa kanilang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending