Mimiyuuuh nagpakatotoo sa pagkalap ng tsismis sa pinakabago niyang TVC
Aminin natin: marami ang nae-excite at nabubuhayan ng dugo kapag narinig natin ang mga salitang “Uy, may chika ako. Lahat tayo ay may tinatagong“Marites” na nagnanasang makasagap ng pinakamainit na tsismis, at hindi pwedeng maiwanan para malaman ang mga umaatikabong balita ng bayan.
Ganyan ang tema ng pinakabagong video ng sikat na online celebrity na si Mimiyuuuh para sa TNT, ang mobile brand ng Smart. Sa nasabing video, mapapanood si Mimiyuuuh habang nagbabasa ng kanyang social media feed sa kalagitnaan ng gabi nang biglaan niyang makita ang isang hindi inaasahang bisita na kamukha ng pamosong multong Hapon na si Sadako.
Sa kalaunan nalaman din ni Mmiyuuuh na namutla lang pala yung babae sa video dahil sa sobrang sabik nitong makarinig ng tsismis.
Panoorin ang nakakatuwang video dito:
Manatiling alam ang mga tsismis gamit ang FB+Chat50, ang pinakamurang produkto ng TNT
Para mas malaman pa ang pinakamaiinit na online tsismis ng bayan at mas sumigla pa ang mga subscribers, inilabas kamakailan lamang ng TNT ang FB+Chat 50, na nagbibigay ng 7 araw na punong-puno ng data offer para mas madaling magamit ng mga subscriber ang kanilang Facebook, Messenger, WhatsApp, at Instagram account.
Sa halagang P50 lang, ang FB+Chat 50 ay may kasamang libreng 3.5 GB na maaring gamitin sa loob ng 7 araw, na sapat na sapat para magkaroon at ma-enjoy ng mga subscriber ang kanilang pagkalap ng tsismis para sa buong linggo. Ito ay hatid ng may pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa na binigyan ng award ng Ookla sa sunod-sunod na tatlong bahagi ng taon.
Sa pamamagitan ng FB+Chat50, wala nang rason ang lahat ng TNT subscriber para makaligtaan pa ang mga pinakamainit na balita online tungkol sa kanilang paboritong artista, bulong-bulungan sa social media, o di kaya ay mapag-iwanan pa sa usapang ng mga kaibigan pagdating sa pinakamainit na isyu ng bayan, na hindi mabubutas ang kanilang mga bulsa.
Maaring ding i-share ng TNT subscribers ang mga nakakatuwa at mahahalagang post sa Facebook at Instagram, i-tag ang kanilang mga kaibigan, or makisali sa mga diskusyon ng kanilang barkada sa pinakamaiiinit na tisismis gamit ang Messenger o di kaya ay sa WhatsApp.
“Bahagi na ng buhay ng Pilipino para patuloy pa rin silang may koneskyon sa kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang pagshi–share ng mga pinaka-latest na usapan online.
“Sa pamamagitan TNT FB+ CHAT 50, binibigyan namin ng murang paraan ang aming mga subscribers para patuloy nilang malaman ang mga pangyayari sa lahat, na pinalakas ng pinakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa bansa,” ayon kay Lloyd R. Manaloto, FVP at Head ng Prepaid at Content ng Smart.
Maaring magparehistro ng madali ang lahat ng TNT subscriber sa FB+Chat 50 sa pamamagitan ng Smart App, na maaaring ma-download sa Apple App Store, Google Play Store, at Huawei Mobile Services.
Ang iba pang mga kustomer ay maaari ring makapag-avail ng produkto ng TNT. Kailangan lang nilang i-dial ang *123#; pumunta sa pinakamalapit na tindahan ; o di kaya ay bumili nito gamit ang kanilang paboritong mobile wallet apps o pwede rin sa Facebook Upsell at Facebook Mobile center.
Ang TNT ay bahagi ng Smart, ang may pinamakamabilis at pinakamahusay na mobile network sa Pilipinas na pinatunayan ng Ookla, ang lider sa buong daigdig sa larangan ng mobile at broadband network intelligence.
Ang Smart ang pinaka-una at nag-iisang mobile operator sa Pilipinas na nakatanggap ng prestiyoso at natatanging parangal sa tatlong sunod-sunod na ulat ng Ookla na inilabas nila noong Q1-Q2 2022, Q3-Q4 2022, and Q1-Q2 2023.
Para malaman pa ang mga detalye tungkol sa TNT FB+Chat 50, bisitahin lamang ang https://tntph.com/Pages/fbchat50.
ADVT.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.