Rendon Labador tinalakan si Mimiyuuuh: Kung pangit ka ikaw talaga tagabayad! | Bandera

Rendon Labador tinalakan si Mimiyuuuh: Kung pangit ka ikaw talaga tagabayad!

Therese Arceo |July 05,2023
facebook
share this

Rendon Labador tinalakan si Mimiyuuuh: Kung pangit ka ikaw talaga tagabayad!

Therese Arceo - July 05, 2023 - 06:44 PM

Rendon Labador tinalakan si Mimiyuuuh: Kung panget ka ikaw talaga tagabayad!
NAG-REACT ang motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador ukol sa trending love life advice ni Mimiyuuuh.

Matatandaang lumabas sa isang video sa YouTube channel ng isang lifestyle magazine si Mimiyuuuh kung saan nagbigay ito ng mga payo sa mga letter senders.

Ang isang payo niya sa netizen na inutangan ng dyowa ang nag-viral na siyang pinagmulan ng opinyon ni Rendon.

Ani Mimiyuuuh, “Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera. Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera… I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date kang walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera.”

Matapos ngang pag-usapan ng netizens at magbigay ng samu’t saring reaksyon hinggil sa isyu ay nakitalak rin si Rendon.

Sa pamamagitan ng isang video na uploaded sa kanyang Facebook account ay naglabas siya ng opinyon hinggil sa pananaw ni Mimiyuuuh sa pakikipag-date.

Baka Bet Mo: Patama ni Rendon Labador kay Andrea Brillantes at sa iba pang nilayasan ng dyowa: ‘Maraming pera pero isip bata, iiwanan talaga namin kayo’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Kung pangit ka ikaw talaga taga bayad. Unfair ‘yun kung pangit ka na nga tapos ililibre ka pa? Baka smpal*n kita,” saad ni Rendon.

“Kung sino ‘yung pangit, siya ‘yung tagabayad. Ganoon talaga ‘yung buhay. Pangit ka na nga gusto mo pa ilibre ka?! Ang kapal naman ng mukha mo,” dagdag pa niya.

Well, wala namang sinabi si Mimiyuuuh na para magpalibre ang dahilan kaya iwasan ang makipag-date sa walang pera na siyang tinutbok ni Rendon.

Paglilinaw niya sa isang video, “Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin yung sarili… yung hindi mangungutang sa inyo, ‘yon lang po ‘yon! Period!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Rendon Labador muling naghamon: ‘Sinong artista d’yan ang may b*yag na humarap sa akin? Ano, wasakan tayo ng dangal!?’

Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: ‘Never ever date someone na walang pera’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending