Mimiyuuuh tinawag na matapobre dahil sa viral love advice, biglang kumambiyo: Mag-date kayo ng someone na may drive | Bandera

Mimiyuuuh tinawag na matapobre dahil sa viral love advice, biglang kumambiyo: Mag-date kayo ng someone na may drive

Therese Arceo |July 05,2023
facebook
share this

Mimiyuuuh tinawag na matapobre dahil sa viral love advice, biglang kumambiyo: Mag-date kayo ng someone na may drive

Therese Arceo - July 05, 2023 - 04:26 PM

Mimiyuuuh tinawag na matapobre dahil sa viral love advice, biglang kumambiyo: Mag-date kayo ng someone na may drive

UMANI ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naging pahayag ni Mimiyuuuh patungkol sa pakikipag-date.

Matapos kasing lumabas online ang kanyang video sa isang lifestyle magazine kung saan nagbigay siya ng advice sa isang mga letter sender ay naipayo nga niyang huwag makipag-date sa walang pera.

Sey kasi ni Mimiyuuuh, “Unang-una, bakit naman ho kasi kayo magjo-jowa ng walang pera? Diyan ka nagkamali eh, nag-jowa ka ng walang pera. Iyan ang aking lesson learned, never ever date someone na walang pera.”

Aniya, dapat daw ay stable ka muna sa sari mo bago ka magkipag-date at magdagdag ng tao sa buhay mo.

“I think tama naman na dapat talaga siyang magkusa. And ‘yon nga, kung wala talagang way para mabayaran ka, I think take it na lang as a consequence kasi nga nag-date kang walang pera. So next time, huwag ka na lang mag-date ng walang pera,” sey pa ni Mimiyuuuh.

Agad namang nag-trending ito sa social media at may mga taong hindi um-agree sa kanyang paniniwala na siyang naging dahilan para maglabas ulit siya ng video sa kanyang social media accounts.

Baka Bet Mo: Mimiyuuuh natuto na sa pakikipagrelasyon, lovelife advice: ‘Never ever date someone na walang pera’

Dito ay ipinaliwanag niya ang kanyang nais ipakahulugan sa kanyang mga sinabi.

“Opo! Nagkaroon po ako ng interview with Cosmo, tapos nagbigay po ako ng mga advices, ganiyan, opo… and yes I said what I said about huwag pong makipag-date sa mga taong walang pera, you know what I’m saying, walang pera na hindi naman po ibig sabihin na mag-date po kayo ng mga milyonaryo, bilyonaryo… hindi po!” eksplika ni Mimiyuuuh.

Ibig raw kasi niyang sabihin na dapat raw kasi ay may drive o pangarap ang i-date at kayang dalhin ang sarili sa pinansyal na aspeto.

“Mag-date kayo ng someone na may drive, mag-date kayo ng someone na kayang dalhin yung sarili… yung hindi mangungutang sa inyo, ‘yon lang po ‘yon! Period!” dagdag pa ni Mimiyuuuh.

Kaya nga nakaramdam siya ng lungkot nang may taong tumawag sa kanya ng matapobre.

“Kaya nalungkot po ako sa mga tao na sinasabi po nila na matapobre raw po ako, na para bang hindi raw ako galing sa hirap. Galing po ako sa hirap, opo, nakipag-date po ba ako noong wala akong pera? Hindi po. Maybe because wala pong nagkakagusto sa akin during that time, opo, at the same time, alam ko po kasi yung priority ko, during that time,” pagpapaliwanag pa ni Mimiyuuuh.

Marahil rin daw hindi siya nakikipag-date noon dahil priority niya ang sarili at kanyang pamilya.

“Priority ko pong ayusin ang buhay ko. Priority ko po ang family ko, priority ko ang career ko, opo, at priority ko pong gawing buo ang sarili ko bago po ako magdagdag ng ibang tao sa buhay ko kasi nga po, ayaw ko pong maging pabigat sa ibang tao,” giit pa ni Mimiyuuuh.

Sinabi naman ng social media star na nasa tao pa rin naman ang layang pumili kung sino ang gusto nitong i-date basta alam rin ang responsibilidad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Mimiyuuuh aminadong ‘normal day’ lang noon ang Pasko: Hindi po kami nakakapag-celebrate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending