Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna! | Bandera

Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 10:57 AM

Mimiyuuuh naka-score ng international project: Ita-try ko yung harness-harness, puwede na po akong pumalit kay Darna!

Mimiyuuuh

WALA na talagang makakaawat pa sa patuloy na pagbongga ng showbiz career ng vlogger at social media influencer na si Mimiyuuuh.

Hindi lang kasi dito sa Pilipinas humahataw ang pagiging internet star at influencer ni Mimiyuuuh kundi maging sa iba’t ibang bansa na rin.

Excited na ibinalita ni Mimiyuuuh sa kanyang mga supporters at social media followers kamakailan na naka-score siya ng isang bagong international project.

Aniya, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ginagawa na niya ang kanyang first ever international shoot.

“I JUST DID MY FIRST EVER INTERNATIONAL SHOOT! Huhu! Grabe everything feels surreal, SURREAL?!?!

“Thank you po @primevideoph for making me part of this project,” ang caption na inilagay ng influencer sa  ipinost niyang mga litrato sa Instagram na kuha sa shooting ng kanyang latest project.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


Ayon kay Mimiyuuuh, nagtungo siya sa Jakarta, Indonesia para sa isang bonggang project with Amazon’s Prime Video.

“It’s another day, another slay. Andito po ako ngayon sa Jakarta for work. I’m super thankful talaga na I have the opportunity to travel and at the same time ay makapag-work,” ang chika ni Mimi sa kanyang vlog.

Pagpapatuloy pa niya, “Thank you for choosing me. Kasi ang dami daming magaganda diyan, bakit ako yung kinuha niyo? I guess mas maganda rin lang ako. I’m super excited for today!”

Dagdag chika pa ng internet star, feeling overwhelmed din siya dahil more than 100 people daw ang nakatrabaho niya sa shooting. At in fairness, super na-enjoy din niya ang mga eksenang kailangan niyang mag-harness.

“Ita-try ko yung mga harness harness. Puwede na po akong pumalit kay Darna,” hirit pa niya.

Unang nakilala at sumikat si Mimiyuuuh nang mag-viral ang kanyang “Dalagang Pilipina” video sa kanyang YouTube channel na umabot sa milyun-milyong views at subscribers.

COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending