Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala! Bandera

Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

Ervin Santiago |March 30,2021
share this

Lisa ng BLACKPINK kinopya ni Mimiyuuuh: Homaygad kala ko nasa bahay namin siya, ako lang pala!

Ervin Santiago March 30, 2021 - 09:39 AM

ALIW na aliw ang mga fans at YouTube subscribers ng vlogger na si Mimiyuuuh nang gayahin niya ang isa sa mga members ng K-Pop group na BLACKPINK.

Idol na idol kasi ng social media infuencer si Lisa kaya naman gumawa siya ng isang video para ipakita sa buong mundo na kering-keri rin niyang mag-transform bilang K-Pop artist.

Bukod sa pagiging super fan ng BLACKPINK at ni Lisa, marami raw kasing nagsasabi sa kanya na malaki ang pagkakahawig nila ng dalagang Koreana kaya ginaya niya ito sa latest vlog niya sa YouTube.

“Super fan po talaga ako ng BLACKPINK especially si Ate mong Lisa. And ang rami talagang nakakapansin parang si Mimi may hawig siya kay Lisa,” chika ni Mimiyuuuh.

Dagdag pa niya, “Pero hindi ko rin kayo masisisi kasi nakikita ko rin naman kapag tumitingin ako sa salamin na parang homaygad kala ko si Lisa nasa bahay namin. Ako lang pala.”

Binanggit din ng komedyanteng vlogger at fashion designer na marami ring netizens ang nagre-request na gumawa siya ng vlog at gayahin ang mga performance ni Lisa.

“Sa visuals, sa talent, sa bangs, parang I see myself in her. Ganyan. Ang rami rin talagang nagko-comment sa aking mga videos. ‘Huy, Mi. Gawin mo naman. Maging Lisa ka for a day.’ Ganyan.

“Sa sobrang daming nagre-request, ‘yung iba hindi na makatulog. Naaaawa na ako. Anlalaki na ng eyebags. Pero ayan, patutulugin ko na po kayo,” pagpapatawa pa ni Mimiyuuuh.

Sa isang bahagi ng video, may “pa-presscon” din ang sikat na YouTuber kung saan kunwari’y may mga reporter na nagtatanong sa kanya as Lisa with matching inset ng ilang interview clips ng BLACKPINK.

At sa huling bahagi nga ng video, hataw kung hataw si Mimiyuuuh at sing and dance nga siya ala-Lisa kung saan nagsilbi pang background ang mga damit na nakasampay sa likuran niya.

Si Lisa ang nagsisilbing singer at rapper ng BLACKPINK na nag-training under YG Entertainment noong 2010. Siya ang first non-Korean trainee ng nasabing talent agency.

Ang iba pang members ng sikat na sikat na Korean group ay sina Jennie, Jisoo at Rosé. Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “How You Like That,” “Kill This Love” at “DDU, DDU, DU.”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending