Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako! | Bandera

Mimiyuuuh hiniwalayan ng dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!

Ervin Santiago - November 28, 2022 - 07:24 AM

Mimiyuuuh hiniwalayan ng ex-dyowa sa pamamagitan lang ng text message: Sobrang na-shock po ako!

Mimiyuuuh

“MARUPOK din ako!” Yan ang paulit-ulit na sinabi ng sikat na YouTuber at social media influencer na si Mimiyuuuh pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon.

Inamin ni Mimiyuuuh na napakasakit ng kanyang first heartbreak na naranasan niya ilang taon na ngayon ang nakararaan. Isa raw itong LDR o long-distance relationship na nauwi rin sa hiwalayan.

Sa isa niyang vlog, naikuwento ng content creator na nakilala niya ang dating boyfriend sa isang dating app.

“We dated po siguro mga three times and nalaman ko po na mag-iibang bansa siya para mag-aral. Ayaw ko naman po sana ng LDR pero since nga po na-attach ako sa kanya and I really feel safe with him.

“He really made me feel special. Hindi mo rin malalaman kung magwo-work out kaya talagang binigyan namin ng chance, ‘yan LDR kami,” pagbabahagi ni Mimiyuuuh about her past relatiobship.

Patuloy pa niya, “Nu’ng una po okay naman po, pero siyempre in any kind of relationship naman po whether long-distance or short-distance relationshp.

“May times po na akala po matatapos na ‘yung relatonship namin kasi we have two weeks po na hindi kami nag-usap and I really tried to move on po from him.

“Nag-mesage si kuya sabi niya gusto pa rin niya ako. Siyempre ako naman si rupok, come to mama. I guess may consquences din po talaga ‘yung mga karupukan natin. Kung magiging marupok man po tayo, sana naman po ay sa tamang tao tayo maging marupok,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by mimiyuuuh 🦖 (@mimiyuuuh)


Nagampo rin daw siya sa kanyang ex nu’ng mismong kaarawan niya, “Dumating po ‘yung birthday ko, nag-message po siya, ewan ko po pero demanding po ba ‘yun na parang I expected something from him kasi nga parang LDR na kami tapos wala pa po siyang ginawang effort to make me feel special on my birthday?

“So, nag-expect ako ng cake or ng flowers ganyan, parang wala po akong nakuha sa kanya. I really appreciate ‘yung message niya po pero ewan ko parang hindi ko po na-feel na special ako sa kanya on my special day,” lahad pa ng socmed star.

Sinabi raw ni Mimiyuuuh sa guy ang naramdaman niyang disappointment, “The next day nagpadala po siya ng bulaklak eh siyempre naman po sa sobrang karupukan ko ‘yung bad trip ko kahapon nawala. Kinilig ako sa bulaklak.”

At ang masaklap pa, nakipag-break daw ang ex dyowa niya sa pamamagitan lang ng text message. Nasa Indonesia raw siya nu’ng araw na yun para sa isang project.

“Sabi niya, ‘Hi, I think this is not gonna work. Naghahanap lang ako ng tiyempo to say this to you.’ ‘Yun po ‘yung parang first words na nabasa ko po sa message niya, and hindi ko po alam ‘yung ire-react ko that time kasi na-shock po ako.

“Tapos noong mag-isa na po ako sa hotel, lahat ng emosyon parang na-feel ko po siya. I really felt alone po kasi all this time, I thought I found my home. Eh hindi pa po pala,” aniya.

Ito naman ang paalala niya sa lahat ng mga nabigo at mabibigo pa sa pag-ibig, “Always remember na time heals everything. Yeah, malungkot ka ngayon, pero darating din ‘yung panahon na tatawanan mo na lang ‘tong mga ganitong experience.

“Before you get into a relationship, make sure na you really love yourself. And if you love yourself, you don’t need to beg for anything kasi alam mo sa sarili mo na kawalan ka.

“At kung mahal mo ang sarili mo, alam mo kung ano ang deserve mo. And we all deserve the best. Deserve nating ma-feel special every day, hindi lang po sa ating mga birthday,” pagbabahagi pa ni Mimiyuuuh.

COVID hugot ni Mimiyuuuh: Akala ko mawawala na ang nanay ko sa harapan ko…

Mimiyuuuh nag-sorry sa fans ng BLACKPINK: Hindi na po mauulit…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake hindi na raw magpapa-victim sa love: Pag naging marupok ako unsubscribe na po

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending