Itchyworms may update tungkol kay Chino: ‘Yes, may sweldo pa rin siya!’
NAGBIGAY ng update ang OPM rock band na The Itchyworms tungkol sa gitarista nilang si Chino Singson.
Ito ay matapos kamustahin ng ilang entertainment press sa nakaraan nilang media conference sa San Juan City.
Kung maaalala, taong 2022 nang tuluyan nang lumipat sa Canada si Chino kasama ang kanyang pamilya.
Nilinaw naman niya sa official statement noon na hindi niya iiwan ang banda kahit nasa malayo na siyang lugar.
Ayon sa banda, naka-LDR o long distance recording umano sila kay Chino ngayon.
Baka Bet Mo: ‘The Itchyworms’ musical posible kayang mangyari?
“Kasama pa rin siya sa group chat namin, hindi namin siya tinanggal ‘nung pag-alis niya,” chika ng bass guitarist na si Kelvin Yu.
Dagdag naman ng lead vocalist na si Jugs Jugueta habang tumatawa, “Kung curious kayo, yes may sweldo pa rin siya.”
“Tsaka kapag kunwari may recording kami, we send him the tracks and then he plays guitar on it and he sends it back [to us]. So yes, he is still part of the band,” paliwanag pa ng TV host-singer.
Pagbubunyag naman ng kanilang guitars and keys na si Mikey Amistoso, “Tsaka kasama siya sa Canada tour namin sa November.”
Patuloy niya, “Kasama rin siya sa US Tour namin last year. So part pa rin siya ng band, pero kumbaga parang pang-international nalang siya.”
View this post on Instagram
Samantala, magkakaroon ng launching event ang The Itchyworms para opisyal na ipakilala sa publiko ang sariling brand nilang ng craft beers.
Mayroon itong dalawang variants –ang BEER at ang isa naman ay PAG-IBIG na inspired sa kanilang hit song na “Beer.”
Ang kanilang special event ay may kalakip na music show kung saan kasama nilang magtatanghal ang ilang kaibigan sa music industry, kabilang na sina Ebe Dancel, Ciudad, Blaster, at The Revisors.
Mangyayari ‘yan sa 123 Block sa Mandaluyong City sa darating na July 13, simula 6 p.m.
Ang entrance fee sa event ay P999 para sa dalawang tao na at may kasama na itong anim na beers.
Mabibili ang tickets sa website na ito: bit.ly/beeropagibig
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.