'The Itchyworms' musical posible kayang mangyari?

‘The Itchyworms’ musical posible kayang mangyari?

Pauline del Rosario - June 27, 2024 - 06:39 PM

'The Itchyworms' musical posible kayang mangyari?

PHOTO: Instagram/@theitchyworms

KASABAY ng release ng bagong limited merch, may rebelasyon ang OPM rock band na The Itchyworms patungkol sa kanilang future projects.

Ayon sa kanila, posibleng magkaroon ng musical na tampok ang ilan sa kanilang hit songs.

Ang kaabang-abang na balita na ito ay ibinunyag mismo ng banda sa naganap na press conference recently kasabay ng pagbandera  nila sa media ng ilulunsad nilang sariling brand ng craft beers.

“Actually, matagal na naming pinaplano ‘yan ‘yung gumawa ng musical,” sey ng bass guitarist na si Kelvin Yu.

Dagdag naman ng lead vocalist na si Jugs Jugueta, “And marami na ang nagpo-propose na gagawa sila ng musical about The Itchyworms’ music, pero hanggang ngayon wala pang natutuloy.”

Baka Bet Mo: Itchyworms sa aspiring singers: ‘Strive to marathon instead of a sprint’

Magugunitang katatapos lang ng theater musical na dedicated sa isa pang Pinoy rock band na Parokya ni Edgar –ang pamagat nito ay “Buruguduystunstugudunstuy.”

Tampok diyan ang ilang hit songs nila mula sa kanilang second album.

Samantala, ang The Itchyworms ay abala ngayon sa pag-promote ng kanilang limited edition na consumable merch.

Ang official launch nito ay may kalakip na music event na pinamagatang “The Itchyworms: Beer o Pag-ibig?”

Bukod sa pag-showcase ng refreshing mix of brew variants, asahan din ang mga pasabog na performances mula siyempre sa The Itchyworms, pati na rin ng ilang kaibigan nila sa local music scene.

“Gumawa kami ng 500 cans per variant kasi ‘yun ‘yung minimum. Tapos binebenta namin siya in six packs kasi gusto namin siya sabay matikman ng tao ‘yung BEER at PAG-IBIG. So limited siya and available siya sa website namin,” saad ni Kelvin.

Pagbubunyag pa ng banda, may dalawa itong variants, “[It] include BEER, a light and clean tasting blonde ale with a balance of tropical fruit flavor and the right amount of maltiness; and PAG-IBIG, a hazy, cloudy, and flowery beer that is sweet and bitter at the same time.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang entrance fee sa event ay P999 para sa dalawang tao na at may kasama na itong anim na beer. Mabibili ang tickets sa website na ito: bit.ly/beeropagibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending