Itchyworms ilulunsad ang sariling brand ng craft beer, may pa-concert din
MAY bonggang bagong milestone na aabangan sa bandang The Itchyworms.
Hindi ito album o bagong single, kundi isang business venture!
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA, pinasok na rin ng banda ang pagiging negosyante sa pamamagitan ng ilulunsad nilang sariling brand ng craft beer.
Ang official launch nito ay may kalakip na music event na pinamagatang “The Itchyworms: Beer o Pag-ibig?”
Bukod sa pag-showcase ng refreshing mix of brew variants, asahan din ang mga pasabog na performances mula siyempre sa The Itchyworms, pati na rin ng ilang kaibigan nila sa local music scene.
Baka Bet Mo: Itchyworms may alay na kanta sa kabandang nanirahan na sa Canada
Kabilang na riyan sina Ebe Dancel, Ciudad, Blaster, at The Revisors.
Ang special event ay mangyayari sa 123 Block sa darating na July 13, simula 6 p.m.
View this post on Instagram
Maliban sa performances, magkakaroon din ng games, booths at special on-ground activities na inihanda mismo ng banda at ng kanilang co-organizers na GNN Entertainment Productions.
Ayon sa banda, ang kanilang produkto ay inspired sa kanilang hit song na “Beer” na nagsilbing drinking anthem para sa maraming Pinoy.
Pagbubunyag pa nila, may dalawa itong variants, “[It] include BEER, a light and clean tasting blonde ale with a balance of tropical fruit flavor and the right amount of maltiness; and PAG-IBIG, a hazy, cloudy, and flowery beer that is sweet and bitter at the same time.”
Ang entrance fee sa event ay P999 para sa dalawang tao na at may kasama na itong anim na beer.
Mabibili ang tickets sa website na ito: bit.ly/beeropagibig
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.