Lola Amour sa Raining in Manila’ campaign jingles: Walang consent

Lola Amour sa campaign jingles gamit ang ‘Raining in Manila’: ‘Walang consent’

Pauline del Rosario - March 31, 2025 - 12:11 PM

Lola Amour sa campaign jingles gamit ang ‘Raining in Manila’: ‘Walang consent’

PHOTO: Instagram/@billboardphofficial

BILANG campaign period, kaliwa’t-kanang jingle ang naririnig natin kung saan man tayo magpunta.

Ito kasi ang isa sa mga paraan ng mga tumatakbo sa eleksyon upang maging kaaya-aya ang panghihikayat nila sa mga botante, pati na rin upang madali silang matandaan.

Pero kung papansinin ninyo, kung ano ang sikat na kanta ay ‘yun din ang ginagamit na tono sa maraming campaign jingles kung kaya’t halos pare-pareho ang tunog nila.

At ganyan na nga ang nangyari sa isang netizen na kung saan ay ibinandera pa niya sa social media ang pagkaumay niya sa kantang “Raining in Manila” ng bandang Lola Amour dahil ito ang lagi niyang naririnig na campaign jingles sa kanilang lugar.

“Nasusuya na tuloy ako sa ‘Raining in Manila’ dahil sa langyang campaign jingle dito. [Ayoko na] (crying face emojis),” wika ng X user.

Baka Bet Mo: ‘Pepe Mo, Pepe Ko’ jingle hindi na ginamit ng isang kandidato matapos warningan ng Comelec: ‘I’m awfully sorry’

Mukhang naging agaw-pansin ito sa banda kaya inilahad din nila ang kanilang reaction.

“Btw guys, this happened before and I guess it’s happening again,” wika ng banda.

Paglilinaw nila, “All of the campaign jingles using our songs do not have our consent.”

“Vote wisely [laughing emoji],” anila sa post.

Sa comment section, maraming fans ang nagsabing dapat kasuhan ang mga gumagamit ng kanilang kanta na walang paalam.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Hindi ba sila pwede kasuhan mga lods?”

“Pag nagnanakaw ng kanta for sure magnanakaw din yan sa kaban ng bayan”

“Pakikasuhan po sila please thank you!”

“Pwede mo nyo po sila kasuhan ng masampolan. May nagkaso na nga kay Quiboloy haha”

“You should sue them, then expose these politicians for the crooks that they are for stealing your intellectual property.”

Para sa kaalaman ng marami, labag sa batas ang panggagaya o paggamit ng mga kanta nang walang pahintulot o walang maayos na credits.

Ayon sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293), ang sinumang mapatunayang nagnakaw ng kanta ay maaaring makulong ng dalawa hanggang limang taon at pagmultahin ng P50,000 hanggang P200,000.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, ang midterm elections o botohan ay nakatakda na sa darating na May 12.

Ang campaign period para sa senatorial at party-list bets ay nag-umpisa na nitong Enero, habang ang para sa local candidates ay nitong Biyernes, March 28.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending