Itchyworms sa aspiring singers: ‘Strive to marathon...'

Itchyworms sa aspiring singers: ‘Strive to marathon instead of a sprint’

Pauline del Rosario - June 27, 2024 - 10:36 AM

Itchyworms sa aspiring singers: ‘Strive to marathon instead of a sprint’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

ANO ba ang sikreto para tumagal sa music industry?

May payo diyan ang Pinoy rock band na The Itchyworms na halos tatlong dekada nang gumagawa ng musika.

“Siguro lagi kayong mag-strive to stand out,” sey ng lead vocalist ng banda na si Jazz Nicolas matapos tanungin sa naganap na presscon kamakailan lang upang i-promote ang bago nilang consumable merch na mga craft beers.

Patuloy niya, “Ang lagi kong advice sa mga kids na songwriters, lagi kayong gumawa ng something na wala pang ganun or wala nang ganun. Kung ano ‘yung tunog na ‘yun, huwag niyong gayahin kasi magiging one of the pack lang kayo kaya always strive to stand out.”

Dagdag naman ng co-lead vocals na si Jugs Jugueta, “In terms of career, strive to marathon, instead of a sprint, alam mo ‘yun? Kasi maraming nag-sprint, maraming atat sumikat and make it big and make money, but they don’t think of the long term career.”

Baka Bet Mo: Itchyworms sa limited merch nila na craft beers: ‘Level up na tayo!’

Kwento naman ng bass guitarist na si Kelvin Yu, “Sa totoo lang, never kaming naging number one na band. Ang dami laging mas number one kaysa sa amin, pero ang difference lang is nandoon lang kami lagi within the realm of ‘yung memory ng tao, conscious ng isang tao.”

“So andoon lang kami hindi man kami sobrang sikat and we build relationships with the people that get us, that listen to us kaya feeling ko, andito pa rin kami ngayon,” paliwanag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nang tanungin naman sila pagdating sa paggawa ng kanta, inilarawan nila ito sa paggawa ng alak.

“Binu-brew din ‘yung kanta eh. Hindi ‘yan nagagawa basta basta, maraming proseso ‘yan,” sambit ng guitars and keys ng banda na si Mikey Amistoso.

Singit ni Jazz, “Kukuha ka ng tamang sangkap tapos ipapasok mo isa-isa sa kaldero, parang kanta…Paulit-ulit hanggang gumanda at ma-perfect.”

Kamakailan lang, ipinakilala ng The Itchyworms sa entertainment press ang bago nilang produkto na magsisilbing limited merch ng banda –ang sariling brand nila ng craft beers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Siyempre dahil may kanta kaming ‘Beer,’ ilang taon na ‘yan kaya parang gusto naming panindigan. Bukod sa manginginom kami, kailangan na naming gumawa ng beer…level up na tayo,” sey ni Kelvin.

May dalawang variants ang ilalabas na craft beers ng banda, ito ang BEER at ang isa naman ay PAG-IBIG.

Ang nasabing consumable merch ay opisyal na ila-launch sa publiko sa darating na July 13 at may inihanda silang music show kasama ang ilang music artists kabilang na sina Ebe Dancel, Ciudad, Blaster, at The Revisors.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang special event ay mangyayari sa 123 Block sa Mandaluyong City sa darating na July 13, simula 6 p.m.

Ang entrance fee sa event ay P999 para sa dalawang tao na at may kasama na itong anim na beers.

Mabibili ang tickets sa website na ito: bit.ly/beeropagibig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending