Munimuni hindi pressured sumikat: ‘We just do music kasi...'

Munimuni hindi ‘pressured’ sumikat: ‘We just do music kasi mahal namin ito’

Pauline del Rosario - July 11, 2024 - 01:56 PM

Munimuni hindi ‘pressured’ sumikat: ‘We just do music kasi mahal namin ito'

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

HANGAD ng maraming banda at music artists ang sumikat at makilala sa music industry.

Pero ibahin niyo ang indie folk band na Munimuni dahil ang misyon nila ay makapag-release ng mga kanta na posibleng makapagpabago sa buhay ng kanilang listeners.

Kamakailan lang, nagkaroon ng press conference ang banda upang i-promote ang kanilang latest album at upcoming concert ngayong buwan.

At isa sa mga naitanong sa kanila ng entertainment press ay kung hindi ba sila nape-pressure na makakuha ng hit songs dahil sa napakarami nilang kalaban sa industriya.

Baka Bet Mo: Munimuni excited sa upcoming concert, ano bang aasahan ng fans?

Ayon sa drummer na si Josh Tumaliuan, “Hindi kami type ng band na kailangang maka-hit song.”

“We just do music kasi mahal naming gawin ‘yung music hindi dahil gusto namin sumikat or maka-hit song kami,” paliwanag niya.

Esplika pa ng flute at background vocals na si John Owen Castro, “Hindi naman namin super priority na magkaroon ng super daming numbers and streams kasi living in an independent music scene, parang sobrang fulfilling ng pakiramdam na may lumapit sayong listener and sabihin sayo kung gaano kabigat ‘yung impact sa buhay nila ‘yung isang kanta na sobrang laki rin ng impact sa buhay mo. So I think the definition for us of hit or miss, nandoon.”

Sey naman ng lead vocalist na si Adj Jiao, “For us, ang priority namin is to keep writing and make songs. Bonus na kapag may mag-hit.”

“Kasi na-eenjoy namin ang pagsusulat at pag-arrange ng songs pa lang eh. And we’re pretty sure na hindi lang kami ang makaka-enjoy ‘nun kasi we share it to other people. We play the songs sa gigs and ayun siguro doon na lang kami kumukuha ng affirmation from the people who approach us, who message us or nagta-tag sa social media,” aniya pa.

Anyway, malapit na ang concert ng Munimuni na pinamagatang “ALEGORYA: A Munimuni Concert.” 

Mangyayari ‘yan sa UP Theater sa July 20 at ilan lamang sa mga makakasama nila ay sina Barbie Almalbis, Clara Benin, Keiko Necesario at Sofia Abrogar ng bandang Any Names Okay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa banda, bukod sa tracks nila sa Alegorya album ay tatanghalin din nila ang mga nauna nilang mga kanta.

Ang tickets para sa“ALEGORYA: A Munimuni Concert” ay mabibili sa link na ito: bit.ly/alegorya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending