Munimuni excited sa concert, ano bang aasahan ng fans?

Munimuni excited sa upcoming concert, ano bang aasahan ng fans?

Pauline del Rosario - July 08, 2024 - 03:36 PM

Munimuni excited sa upcoming concert, ano bang aasahan ng fans?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

MALAPIT na ang inaabangang concert ng indie folk band na Munimuni!

Pinamagatan itong “ALEGORYA: A Munimuni Concert” na nakatakdang mangyari sa UP Theater sa darating na Sabado, July 20.

Kamakailan lang, nagkaroon ng press conference ang banda sa Quezon City at isa ang BANDERA sa mga naimbitahan nila.

Ikinuwento nila sa entertainment press media ang ilan sa mga aasahan ng fans sa upcoming show nila.

Ayon sa lead vocalist na si Adj Jiao, “We want to make it something na very conceptual ang dating…Inisip namin siya as one big experience na mai-immerse ang audience to different ranges of experiences.”

“We have collaboration with other artists…and we do have a lineup na nakatahi siya to make sure na mararamdaman ng audience na parang you will be with us through our concert,” saad pa niya.

Baka Bet Mo: Julia pangarap pa ring maka-graduate sa college, nagpaalala sa mga estudyante: Isagad mo na yan!

Magugunitang nauna nang inanunsyo ng banda na makakasama nila sa concert ang batikang singer na si Barbie Almalbis, pati ang ilang OPM musicians na sina Clara BeninKeiko Necesario at Sofia Abrogar ng bandang Any Names Okay.

Dagdag ng flute at background vocals na si John Owen Castro, “Parang siyang tumugtog ng compilation of songs. So tina-try naming tahiin lahat para makabuo ng isang narrative or story na mas mai-immerse ang audiences namin, which is hindi namin masyadong ginagawa sa normal gig na nag-iisip lang ng lineup tapos ayun na ‘yun.”

Ani naman ng drummer na si Josh Tumaliuan, “Siguro idagdag ko lang din na Alegorya concert siya, pero hindi siya Alegorya album songs kasi tutugtog din kami ng mga old songs.”

Ang concert ay para i-promote rin ang latest album nila na may titulo ring “Alegorya,” pero ano ba ang inspirasyon nila para mabuo ito?

Chika ng banda, ito ay hango sa mga nangyayari sa kanilang buhay mula sa personal experiences, lovelife at marami pang iba.

“For us as a band, usually it’s an experience na ine-express namin through a song,” sambit ni Adj.

Paliwanag pa niya, “So hindi siya kailangan super amazing or unique experience. Basta we write from where we are as real human beings na nakakaranas ng iba’t-ibang bagay…may love songs, may chill na songs, may mga intense, may mga nagwawala kasi lahat ‘yun pinagdadaanan namin bilang mga tao.”

After ng kanilang concert album, nagbabalak ang Munimuni na magkaroon ng Philippine Tour at isa raw ‘yan sa mga aabangan ng kanilang supporters.

“Actually, first time namin itong gagawin na lilibot talaga kami sa buong Pilipinas, so isa ‘yun sa mga exciting na pinaplano namin,” sey ni Josh.

Chika naman ni Adj, “Hindi pa lang siya final. Nasa stage kami kung saan ‘yung next na pupuntahan. So by Philippine tour, hindi lang siya sa Luzon. ‘Yun ang gusto namin mangyari kasi we’ve done a Luzon tour, pero ‘yung lilipad sa Visayas and Mindanao, ‘yun ang exciting for us.”

Samantala, ang tickets para sa“ALEGORYA: A Munimuni Concert” ay mabibili sa link na ito: bit.ly/alegorya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang Filipino indie outfit ay binubuo nina Adj Jiao (guitar, vocals), John Owen Castro (flute, vocals), Jolo Ferrer (bass), Josh Tumaliuan (drums), at Ben Ayes (guitar).

Ilan lamang sa hit songs nila ang “Bawat Piyesa,” “Sa’yo,” “Simula,” “Marilag,” “Kalachuchi,” “Sa Hindi Pag-alala,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending