Keiko may bagong single after 2 years, ibinandera ang promise kay mister
DALAWANG taon hindi naglabas ng bagong kanta ang Indie singer-songwriter na si Keiko Necesario, pero finally, mapapakinggan na ang kanyang newest release!
Ito ang kantang “Kahit pa anong mangyari” na isinalaysay ang mga naging pagsubok niya kasama ang mister na si Jem Cubil.
Kamakailan lang, isa ang BANDERA sa mga naimbitahan sa single launch event ni Keiko na ginanap sa Brewing Point sa Quezon City.
Ang bongga ng event dahil nagkaroon din ng performances ang ilan sa mga kilalang young singers sa mundo ng OPM.
Kabilang na riyan sina Clara Benin, Janine Teñoso, Cheenee Gonzales, and XY!
Baka Bet Mo: KZ Tandingan excited sa 1st international single: It’s something that I will remember for the rest of my life
View this post on Instagram
At habang hindi pa sumasalang sa stage si Keiko, nabigyan kami ng pagkakataon na eksklusibong makachikahan ang main star ng event.
Ayon sa Indie singer, last year pa niya isinulat ang kanta sa gitna ng hinarap na financial problem.
Pero in fairness, nakakakilig din ang background story ng bago niyang single dahil dito niya inihayag ang kanyang pangako para sa asawa sa kabila ng naging pagsubok nila together.
“Kasi dumating sa point na 700 pesos nalang ‘yung pera namin ng aking asawa, so it was tough. But because of that, I got to write my new song ‘Kahit pa anong mangyari’ and it’s kind of, like, a promise song really na kahit anong mangyari, kahit na hindi kami mayaman or wala kaming pera –okay lang. Basta magkasama kaming dalawa,” chika niya.
“I’m not saying na hindi mag-ipon, pero it’s just really a promise song na kahit anong seasons, we’re gonna face it together,” paglilinaw pa niya.
At speaking of challenges, natanong din namin si Keiko kung ano naman ‘yung mga problema na pinagdadaanan niya bilang isang music artist.
“For me, particularly, as an Indie artist –funding my recordings, siyempre [sa] band and the producers,” sagot niya.
Patuloy niya, “Hindi siya madali and I think in the whole process, not just in writing songs but ‘yung nga, how I’m gonna be able to produce the music itself para it gets released.”
Gayunpaman, malaki ang kanyang pasasalamat dahil marami raw ang tumutulong at sumusuporta sa kanya.
“But it’s such a blessing also na may mga taong willing tumulong…and I’m so grateful for them, and ‘yun nga, hindi siya madali, especially for the funds and all. But I believe when God calls you where you are being called, like ako, I know I am being called in the music industry, He’s gonna sustain you there,” sambit niya.
Aniya pa, “‘Yun ang lagi kong pinanghahawakan.”
Sa huli, sinabi ni Keiko na marami pang aabangan ang fans sa kanya, lalo na ngayong taon.
“I just wanna release more music this year ‘cause I wasn’t able to release anything ng two years, siguro 2022 hanggang last year wala akong na-release na bago,” saad niya.
Kwento pa niya, “Nag-laylow lang to figure things out. Parang season lang talaga siya na I want to know what I want pa and all.”
Ang “Kahit pa anong mangyari” ay mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.