EXCLUSIVE: Keiko Necesario excited sa concert ni Kitchie Nadal

EXCLUSIVE: Keiko Necesario excited, kinakabahan sa concert ni Kitchie Nadal

Pauline del Rosario - June 02, 2024 - 01:35 PM

EXCLUSIVE: Keiko Necesario excited, kinakabahan sa concert ni Kitchie Nadal

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez

MARAMI na ang sabik na sabik sa homecoming show ng OPM icon na si Kitchie Nadal!

Mangyayari ang “SAME GROUND: Kitchie Nadal’s 20th Anniversary” concert sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City mamayang hapon, June 2.

Magugunitang nauna na naming naisulat dito sa BANDERA ang tungkol sa mga dapat abangan sa pagtatanghal ni Kitchie, pati na rin kung sino-sino ang magiging guest performers niya.

Bukod sa mga kaibigan niya sa music industry na sina Barbie Almalbis, Aia de Leon, Lougee Basabas, Hannah Romawac, Acel Bisa, at Monty Macalino ng bandang Mayonnaise, nachika rin sa amin ng “Bulong” singer na makakasama rin niya ang OPM singers na sina Jarlo Base at Keiko Necesario.

At heto nga, noong June 1, nagkaroon kami ng pagkakataon na ma-interview si Keiko bilang isa kami sa mga press entertainment na naimbitahan sa single launch event ng singer para sa bago niyang kanta na “Kahit pa anong mangyari.”

Baka Bet Mo: Kitchie Nadal ‘relevant’ pa rin sa Gen Z, bakit kaya tuwang-tuwa kay Zild?

Isa sa mga naitanong namin ay ang kanyang reaksyon bilang isa siya sa mga napili ni Kitchie para sa nasabing anniversary concert.

Inamin ni Keiko na super excited na siya, lalo na’t espesyal para sa kanya ang maging parte sa setlist ni Kitchie.

“Actually, ‘yung phase [ng] band era and sina Ate Barbie, sina Ate Kitchie, ‘yun ‘yung phase ko na talagang nagsusulat ako ng songs and all, so very special to me and it’s an honor to be part of that concert,” chika niya sa amin.

Dagdag niya, “Sobrang excited tsaka kinakabahan ako, pero it will be great!”

Nang tanungin naman namin si Keiko kung ano ang sorpresang inihanda niya sa show, ang sagot niya sa amin, “Actually, hindi siya duet. Parang group thing siya.”

“It’s something that we can all look forward to,” aniya pa niya na hindi na masyadong idinetalye para masorpresa ang mga manonood na fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, mapapakinggan na sa lahat ng digital streaming platforms ang bagong hugot song ni Keiko na “Kahit pa anong mangyari” na ikinukwento ang ilan sa mga hinarap niyang pagsubok when it comes sa kanyang married life.

Abangan ang aming exclusive interview tungkol diyan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending